Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ni Samuel, Setyembre 28

    Ang batang si Samuel ay patuloy na lumaki sa pangangatawan at gayundin sa pagbibigay-lugod sa PANGINOON at sa mga tao. 1 Samuel 2:26.KDB 285.1

    Bagaman ginugol ni Samuel ang kanyang kabataan sa tabernakulo na nakatalaga sa pagsamba sa Diyos, hindi siya malaya sa masasamang impluwensiya o makasalanang halimbawa. Hindi natatakot sa Diyos ang mga anak ni Eli, ni iginagalang ang kanilang ama; ngunit hindi hinanap ni Samuel ang kanilang pakikisama o sumunod sa kanilang masamang halimbawa. Parati niyang pinagsisikapang maging kasang-ayon sa ninanasa ng Diyos para sa kanya. Ito ang pribilehiyo ng bawat kabataan. Nalulugod ang Diyos kapag maging ang mga maliliit na bata ay ibinibigay ang kanilang mga sarili sa Kanyang gawain. Napasailalim si Samuel sa pangangalaga ni Eli, at ang kagandahan ng kanyang pag-uugali ay kumuha ng pagmamahal ng matandang pari. Siya'y mabait, mapagbigay, masunurin, at magalang. Si Eli, na nahihirapan sa pagiging suwail ng kanyang sariling mga anak, ay nakahanap ng kapahingahan at kaaliwan at biyaya sa presensya ng kanyang alaga. Matulungin si Samuel at mapagmahal, at walang ama na nagmahal ng higit sa kanyang anak kaysa kay Eli sa kabataang ito. Hindi pangkaraniwang sa pagitan ng tagapanguna ng bansa at isang simpleng bata ay iiral ang mainit na pagmamahal. Habang dumarating kay Eli ang mga kahinaan ng pagtanda, at napupuno siya ng kagulumihanan at pag-aalala sa masamang gawi ng kanyang mga sariling anak, bumaling siya kay Samuel para sa kaaliwan. . . .KDB 285.2

    Bagaman bata noong dalhin sa tabernakulo upang maglingkod doon, si Samuel ay mayroong mga tungkuling kailangang gampanan sa gawain ng Diyos sang- ayon sa kanyang makakaya. Noong una'y maliliit ang mga ito, at hindi palaging nakalulugod; ngunit sila'y ginampanan sa abot ng kanyang makakaya, at may nakahandang puso. Nadala ang kanyang relihiyon sa bawat tungkulin ng buhay. Itinuring niya ang kanyang sarili na lingkod ng Diyos, at ang kanyang gawain bilang gawain ng Diyos. Tinanggap ang kanyang mga pagsisikap, dahil ang mga ito'y inudyukan ng pag-ibig sa Diyos at tapat na pagnanasang gampanan ang Kanyang kalooban.— Patriarchs and Prophets, p. 573.KDB 285.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents