Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naglilingkod sa Harapan ng Diyos ang Hukbo ng mga Anghel, Disyembre 13

    Subalit kayo'y lumapit sa Bundok ng Zion, at sa lunsod ng Diyos na buhay, sa makalangit na Jerusalem, at sa mga di mabilang na mga anghel, sa isang masayang pagtitipon. Hebreo 12:22.KDB 364.1

    Ipinaalam sa atin sa Kasulatan ang patungkol sa bilang, at sa kapangyarihan, at sa kaluwalhatian, ng mga makalangit na nilalang, sa kanilang kaugnayan sa pamahalaan ng Diyos, at gayundin sa kanilang kaugnayan sa gawain ng pagtubos. . . . Sa silid-tanggapan ng Hari ng mga hari sila'y naghihintay— “mga anghel Niyang makapangyarihan sa kalakasan,” “mga lingkod Niya na nagsisigawa ng Kanyang kalooban,” “na nakikinig sa tinig ng Kanyang salita.” Sampung libong tigsasampung libo at libu-libong mga libo ang mga makalangit na mensahero na nakita ng propetang si Daniel. . . .KDB 364.2

    Nakatalaga ang isang bantay na anghel sa bawat tagasunod ni Cristo. Ang mga makalangit na bantay na ito'y pinoprotektahan ang mga matuwid mula sa kapangyarihan ng masama. Nakita ito mismo ni Satanas noong sinabi niya, “Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang kapalit? Hindi ba't binakuran mo siya at ang kanyang sambahayan, at ang lahat ng nasa kanya sa bawat dako?” . . . Sinabi ng Tagapagligtas, na nangungusap tungkol sa kanila na nananampalataya sa Kanya, “Pag-ingatan ninyong huwag hamakin ang isa man sa maliliit na ito, sapagkat sinasabi Ko sa inyo, ang kanilang mga anghel sa langit ay patuloy na nakikita ang mukha ng Aking Ama na nasa langit.” Ang mga anghel na nakatalaga upang maglingkod sa mga anak ng Diyos ay maaaring makalapit sa lahat ng oras sa Kanyang presensya. Sa gayo'y ang bayan ng Diyos, na nalalantad sa mapanlinlang na kapangyarihan at hindi natutulog na masamang hangarin ng prinsipe ng kadiliman . . . ay nakatitiyak sa walang tigil na pagbabantay ng mga makalangit na anghel. . . . Kung nagbigay ang Diyos sa Kanyang mga anak ng pangako ng biyaya at pag-iingat, ito'y dahil may mga malalakas na kapangyarihan ng kasamaan na kailangang labanan—mga kapangyarihang marami, handa, at walang kapaguran, at sa kanilang kasamaan at kapangyarihan ay walang sinuman ang ligtas na walang-muwang at hindi nag-iingat.— The Great Controversy, pp. 511-513.KDB 364.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents