Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May Malasakit ang mga Anghel sa Taong Makasalanan, Disyembre 14

    May kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi. Lucas 15:10.KDB 365.1

    Nagpatirapa ang mga anghel sa paanan ng kanilang Pinuno at nag-alok na maging handog para sa tao. Ngunit hindi mababayaran ng buhay ng isang anghel ang pagkakautang; tanging Siya na lumalang sa tao ang may kapangyarihang tumubos. Si Cristo'y “ginawang mababa kaysa mga anghel, na dahil sa pagdurusa ng kamatayan.” Dahil tatanggapin Niya ang likas ng tao sa Kanyang sarili, hindi magiging kapantay ang Kanyang kalakasan sa kanila, at kailangan nilang maglingkod sa Kanya, upang palakasin at aliwin Siya sa ilalim ng Kanyang mga pagdurusa. Magiging mga espiritung nagsisipaglingkod sila, na sinusugo upang maglingkod para sa kanila na magiging mga tagapagmana ng kaligtasan. Babantayan nila ang mga tatanggap ng biyaya mula sa kapangyarihan ng masasamang anghel, at mula sa kadiliman na palaging ibinabato ni Satanas sa palibot nila.— Patriarchs and Prophets, pp. 64, 65.KDB 365.2

    Kung nakikipagniig ka kay Cristo, ilalagay mo ang Kanyang palagay sa bawat tao. Mararamdaman mo para sa iba ang gayunding kalalim na pagmamahal na nadama ni Cristo para sa iyo. Kung gayo'y magagawa mong umakay, hindi magpalayo, manghalina, hindi magtaboy, sa kanila na kinamatayan ni Cristo. . . .KDB 365.3

    Nakahandang makipagtulungan ang lahat ng mga anghel sa langit sa gawaing ito. Ang lahat ng tulong ng kalangitan ay makukuha nila na nagsisikap na magligtas sa nawawaglit. Tutulungan kayo ng mga anghel na abutin silang pinakawalang pagmamalasakit at pinakamatigas. At kapag naibalik ang isa sa Diyos, nalulugod ang buong kalangitan; pinatutugtog ng mga serafin at kerubin ang kanilang mga ginintuang alpa, at umaawit ng papuri sa Diyos at sa Kordero para sa kanilang habag at pagmamahal sa mga anak ng tao.— Christ’s Object Lessons, p. 197.KDB 365.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents