Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Magtatayo Tayo ng mga Bahay, Disyembre 27

    At sila'y magtatayo ng mga bahay at kanilang titirahan ang mga iyon; at sila'y magtatanim ng ubasan at kakain ng bunga niyon. Isaias 65:21.KDB 378.1

    Sa lupang ginawang bago, makikibahagi ang mga tinubos sa mga gawain at libangang nagbigay ng katuwaan kina Adan at Eva noong pasimula. Isasakabuhayan ang buhay sa Eden, ang buhay sa halamanan at sa bukirin.— Prophets and Kings, p. 730.KDB 378.2

    Doo'y maibabalik ang tao sa nawala niyang paghahari, at muling kikilalanin ng mas mababang mga nilalang ang kanyang pangunguna; magiging maamo ang mabangis, at nagtitiwala ang mahiyain. Mabubuksan sa mag-aaral ang kasaysayan na may walang-hanggang lawak at yaman na hindi maihayag. Dito, mula sa pananaw ng Salita ng Diyos, mabibigyan ang mag-aaral ng tanaw ng malawak na larangan ng kasaysayan, at maaaring magtamo ng kaalaman ng mga prinsipyong namamahala sa mga pangyayari sa kasaysayan ng tao. Ngunit, nalalambungan pa rin ang kanyang paningin, at hindi kumpleto ang kanyang kaalaman. Hanggang hindi siya tumatayo sa liwanag ng kawalang-hanggan, hindi niya makikita nang malinaw ang lahat ng bagay.— EDUCATION, p. 304.KDB 378.3

    Doo'y nakita ko ang pinakamaluwalhating mga tahanan, na may anyo ng pilak, na sinusuportahan ng apat na haligi na may mga perlas na tunay na maluwalhating tingnan. Ang mga ito'y titirahan ng mga banal. Sa bawat isa'y may ginintuang istante. Nakita ko ang maraming mga banal na pumapasok sa mga bahay, hinuhubad ang kanilang nagniningning na mga putong at ilalagay ang mga ito sa mga istante, pagkatapos ay lalabas sa bukirin sa tabi ng tahanan upang may gawin sa lupa; na hindi katulad ng ginagawa natin sa lupa rito; hindi, hindi. May maluwalhating liwanag na nagniningning sa palibot ng kanilang ulo, at madalas silang sumisigaw at naghahandog ng papuri sa Diyos. Nakita ko ang isa pang bukirin na puno ng lahat ng uri ng bulaklak, at habang pinipitas ko sila, napasigaw ako, “Hindi sila malalanta.” Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang bukirin ng matataas na damo; . . . ito'y buhay na luntian, at nagsasalamin ng pilak at ginto, habang wumawagayway para sa kaluwalhatian ng Haring si Jesus.— Early Writings, p. 18.KDB 378.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents