Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Humayong Walang Pangamba, Oktubre 26

    Ngunit sinabi sa akin ng PANGINOON, Huwag mong sabihin, Ako'y isang kabataan; sapagkat saanman kita suguin ay paroroon ka, at anumang iutos ko sa iyo ay sasabihin mo. Jeremias 1:7.KDB 314.1

    Nananahan ang Diyos sa bawat tahanan; naririnig Niya ang bawat salitang binibigkas, nakikinig sa bawat panalangin na iniaalay, nalalasahan ang mga kalungkutan at kabiguan ng bawat kaluluwa, binibigyang pansin ang pagturing na ibinibigay sa ama, ina, kapatid, kaibigan, at kapitbahay. Nagmamalasakit Siya para sa ating mga pangangailangan, at patuloy na umaagos ang Kanyang kahabagan at biyaya upang tustusan ang ating pangangailangan. Ngunit kung tinatawag ninyo ang Diyos na inyong Ama, tinatanggap ninyo na kayo'y mga anak, na dapat gabayan ng Kanyang karunungan, at maging masunurin sa lahat ng bagay, na nalalaman na hindi nagbabago ang Kanyang pagmamahal. Tatanggapin ninyo ang Kanyang panukala para sa inyong buhay.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 105.KDB 314.2

    Gaano kadalas silang nagtitiwala sa Salita ng Diyos, bagaman sa kanilang sarili'y mahihina sila, na malabanan ang kapangyarihan ng buong sanlibutan—si Enoc, na may dalisay na puso, banal sa kabuhayan, naninindigan sa kanyang pananampalataya sa pagtatagumpay ng katuwiran laban sa lahing tiwali at nanlilibak; si Noe at ang kanyang sambahayan laban sa mga lalaki ng kanyang kapanahunan, mga lalaking may dakilang kalakasang pisikal at may mababang moralidad; . . . si David, isang kabataang pastol, na nagtataglay ng pangako ng Diyos sa trono ng Israel, laban kay Saulo, ang natatag na hari, na desidido sa pagpapanatili ng kanyang kapangyarihan; si Shadrac at ang kanyang mga kasamahan sa apoy, at si Nebukadnezar sa trono; si Daniel sa gitna ng mga leon, ang kanyang mga kaaway na nasa matataas na posisyon sa kaharian; si Jesus sa krus, at ang mga saserdote at tagapamahalang Judio na pinipilit pati ang gobernador na Romano na sumunod sa kanilang kalooban; si Pablo na nakagapos habang dinala sa kamatayan ng isang kriminal. . . . Ito ang mga tunay na karangalan ng sanlibutan. Ito ang maharlikang angkan nito. Sa bagay na ito tinatawagan ang mga kabataan ngayon na kunin ang kanilang lugar.— EDUCATION, pp. 254, 255.KDB 314.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents