Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kahinahunan, Kabanalan, Setyembre 12

    Sapagkat nagpakita ang biyaya ng Diyos, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao, na nagtuturo sa atin na matapos itakuwil ang kasamaan, at mga makamundong pagnanasa, ay dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon. Tito 2:11,12.KDB 269.1

    Sa pangkaraniwang pagganap, ang mga pagtitipon para sa kasiyahan ay sagabal din sa tunay na paglago, sa pag-iisip man o sa karakter. Nabubuo ang mga mababaw na pakikisama at mga nakagawiang maluho, mapaghanap ng kalayawan, at madalas na humahantong sa pagpapahina na humuhubog sa buong buhay para sa kasamaan. Imbes na ganitong mga kaaliwan, maraming magagawa ang mga magulang at guro upang magbigay ng mga kaaliwang mabuti at nakapagbibigay-buhay.KDB 269.2

    Sa bagay na ito, na gaya rin sa lahat ng iba pang bagay na patungkol sa ating kabutihan, itinuturo ng Inspirasyon ang daan. Noong mga naunang kapanahunan, kung kailan ang bayan ay nasa ilalim ng gabay ng Diyos, payak ang kabuhayan. Namuhay sila nang malapit sa puso ng kalikasan. Nakibahagi ang mga anak sa gawain ng mga magulang, at pinag-aaralan ang mga kagandahan at hiwaga ng kamalig ng kayamanan ng kalikasan. At sa katahimikan ng kakahuyan at ng gubat pinagbulayan nila ang mga matataas na katotohanang ipinasa sa kanila bilang banal na pagtitiwala mula sa bawat salinlahi. Nagresulta ng mga malalakas na mga tao ang ganitong pagsasanay.— EDUCATION, p. 211.KDB 269.3

    Ang katuwiran ay pag-ibig, at ang pag-ibig ay liwanag ng buhay ng Diyos. Kinakatawan ni Cristo ang katuwiran ng Diyos. Tinatanggap natin ang katuwiran sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya. Hindi sa pamamagitan ng masasakit na pakikipagpunyagi o nakapapagal na paggawa, hindi sa pamamagitan ng paghahandog o sakripisyo nakakamit ang katuwiran; kundi ito'y malayang ibinibigay sa bawat kaluluwa na nagugutom at nauuhaw na tanggapin ito. . . .KDB 269.4

    Kung paanong kailangan natin ang pagkain upang tustusan ang ating kalakasang pisikal, gayundin kailangan natin si Cristo, ang tinapay mula sa langit, upang tustusan ang espirituwal na buhay, at magbigay ng kalakasan upang ating magampanan ang mga gawain ng Diyos.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 34, 35.KDB 269.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents