Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gumagawa Tayong Kasama ng Diyos, Oktubre 7

    Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos, kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos. 1 Corinto 3:9.KDB 295.1

    Gagamitin Niya ako at ikaw at bawat taong pumapasok sa Kanyang paglilingkod, kung magpapasakop tayo sa Kanyang patnubay. Dapat na tumayo ang bawat isa sa kanyang bantayan, na nakikinig nang mabuti sa sasabihin sa kanya ng Espiritu, na inaalalang ang bawat salita at pagkilos ay gumagawa ng impresyon, hindi lamang sa kanyang karakter, kundi sa karakter ng bawat isa na may kaugnayan sa kanya. . . .KDB 295.2

    Gumagawa ang Diyos sa bawat araw sa Kanyang gusali, sa bawat kampay Kanyang ginagawang perpekto ang istraktura, upang ito'y maging banal na templo para sa Kanya. Dapat na makipagtulungan ang tao sa Diyos. Ang bawat manggagawa ay kailangang maging kasang-ayon sa kung anong nilalayon ng Diyos, na binubuo ang kanyang buhay gamit ang mga dalisay at marangal na gawain, upang sa huli'y maging maayos na istraktura ang kanyang karakter, isang magandang templo na pararangalan ng Diyos at ng tao. Wala dapat kapintasan sa gusali, sapagkat ito'y sa Panginoon. Dapat na maayos na mailatag ang bawat bato, upang makayanan ang bigat na ilalagay rito. Maaapektuhan ang buong gusali ng isang batong hindi nailatag nang tama. Ibinibigay ng Diyos ang babala sa iyo at sa bawat manggagawa: “Dapat na ingatan ng bawat tao ang pagtatayo niya sa ibabaw nito, upang makatagal ang iyong gusali sa bagyo at sigalot, dahil ito'y nakatayo sa walang hanggang Bato.”— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 172, 173.KDB 295.3

    Naibigay sa bawat tao ang “kanyang gawain,” ang gawaing angkop sa kanyang mga kakayanan, iyong gawaing magreresulta sa pinakamabuti para sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa-tao, at sa pinakadakilang karangalan sa Diyos. Kaya't bahagi ng dakilang panukala ng Diyos ang ating gawain o panawagan, at habang nagagampanan ito sang-ayon sa Kanyang kalooban, Siya mismo ang bahala sa mga resulta.— EDUCATION, p. 138.KDB 295.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents