Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kayo'y Magpakalakas at Magpakatapang, Nobyembre 12

    Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot ni masindak sa kanila sapagkat ang PANGINOON mong Diyos ay humahayong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan. Deuteronomio 31:6.KDB 332.1

    Nangangailangan ng tiyak na layunin ang tagumpay sa anumang linya. Siyang nagnanais na magkamit ng tagumpay sa buhay ay kailangang panatilihin sa paningin ang isang layuning karapat-dapat sa kanyang pagsusumikap. Nailagay sa harapan ng mga kabataan ang gayong layunin ngayon. Ang layuning itinalaga ng kalangitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa sanlibutan sa salinlahing ito ay ang pinakamarangal na nakagaganyak sa sinumang tao. Binubuksan nito ang isang larangan ng pagsusumikap sa bawat isang ang puso'y hinipo ni Cristo.KDB 332.2

    Mas malawak, mas malalim, at mas mataas ang layunin ng Diyos para sa mga anak na lumalaki sa ating tahanan, kaysa sa nauunawaan ng ating limitadong paningin. . . . At maraming kabataang lalaki ngayon, na lumalaki kagaya ni Daniel sa kanyang tahanan sa Judea, na nag-aaral ng Salita ng Diyos at ng Kanyang mga gawa, at natututunan ang mga aralin ng matapat na paglilingkod, ay tatayo sa harap ng mga kapulungang lehislatibo, sa mga bulwagan ng katarungan, o sa mga maharlikang korte, bilang mga saksi para sa Hari ng mga hari.— EDUCATION, p. 262.KDB 332.3

    Habang sumasangguni ka sa iyong mga pag-aalinlangan at mga pangamba, o pinagsisikapang lutasin ang lahat ng bagay na hindi mo nakikitang malinaw bago ka magkaroon ng pananampalataya, darami lamang at lalalim ang iyong mga kagulumihanan. Kung lalapit ka sa Diyos, na nakadarama ng iyong kahinaan at pagtitiwala, sa kung sino ka talaga, at sa mapagpakumbaba at nagtitiwalang panalangin ay ipinahahayag mo sa Kanya ang iyong mga ninanasa . . . pakikinggan Niya ang iyong daing, at liliwanagan ang iyong puso at iyong buong palibot; sapagkat sa pamamagitan ng tapat na panalangin ay nadadala sa pagkakaugnay sa isipan ng Walang hanggan ang iyong kaluluwa.— Gospel Workers, pp. 320, 321.KDB 332.4

    Magsusumikap na mangibabaw ang mga sinaunang nakasanayan at minanang likas tungo sa pagkakamali, at laban sa mga ito ay kailangan niyang laging magbantay, na nagsusumikap sa kalakasan ni Cristo para sa tagumpay.— The Acts of the Apostles, p. 477.KDB 332.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents