Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagsunod, Setyembre 14

    Ituro mo sa akin, 0 PANGINOON, ang daan ng iyong mga batas, at ito'y aking iingatan hanggang sa wakas. Awit 119:33.KDB 271.1

    Ipinakilala ng Diyos ang Kanyang kalooban, at kamangmangan para sa tao ang mag-alinlangan kung anong lumabas sa Kanyang bibig. Pagkatapos magsalita ng Walang-hanggang Karunungan, wala ng mga kaduda-dudang katanungang kailangang lutasin ng tao, wala ng mga di-tiyak na posibilidad na kanyang isasaayos. Ang kailangan lamang sa kanya ay tahasan at marubdob na pagsang-ayon sa nahayag na kalooban ng Diyos. Ang pagsunod ay ang pinakamataas na pag-udyok ng katuwiran at gayundin ng konsyensya.— The Acts of the Apostles, p. 506.KDB 271.2

    Higit sa lahat, kailangang turuan ang mga bata na ang tunay na paggalang ay naipakikita sa pagsunod. Walang iniutos ang Diyos na hindi mahalaga, at walang ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang na nakalulugod sa Kanya kagaya ng pagsunod sa kung anong Kanyang sinabi. — EDUCATION, p. 244.KDB 271.3

    Iilang mga magulang lamang ang nagsisimula nang sapat na maaga upang maturuan ang kanilang mga anak na sumunod. Kadalasang pinahihintulutan ng mga magulang ang bata na magkaroon ng dalawa o tatlong taon, na pinalalagpas ang pagdidisiplina sa pag-iisip na labis na bata pa sila upang matuto ng pagsunod. Ngunit sa buong panahong ito, lumalakas ang sarili sa bata, at sa bawat araw ay lalong nagiging mahirap ang gawain ng mga magulang na magkaroon ng kontrol. Sa murang edad ay nauunawaan ng mga bata kung ano ang malinaw at payak na sinasabi sa kanila, at sa pamamagitan ng mabuti at matalinong pamamahala, matuturuan silang sumunod. — Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 111, 112.KDB 271.4

    Kung makikita ng mga kabataan na sa pagsunod sa mga batas at alituntunin ng ating mga institusyon ay ginagawa lamang nila iyong magpabubuti sa kanilang katayuan sa lipunan, magpapataas sa karakter, magpapatalino sa pag- iisip, at magpaparami sa kanilang kasiyahan, hindi sila maghihimagsik laban sa mga matutuwid na alituntunin at mabubuting kahilingan, ni makilahok sa pagbuo ng hinala at maling palagay laban sa mga institusyong ito.— Messages to Young People, p. 182.KDB 271.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents