Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kanyang Itatatag ang Kanyang Tipan sa Atin, Marso 5

    Aking itatatag ang aking tipan sa iyo, at iyong malalaman na ako ang PANGINOON; upang iyong maalala, at mapahiya ka, at kailan pa man ay hindi mo na ibuka ang iyong bibig dahil sa iyong kahihiyan, kapag aking pinatawad ka sa lahat ng iyong ginawa, sabi ng Panginoong DIYOS. Ezekiel 16:62, 63.KDB 72.1

    Bago pa itinatag ang pundasyon ng sanlibutan, ang Ama at ang Anak ay nagkaisa sa tipan para tubusin ang tao kung sakaling siya ay magagapi ni Satanas. Sila'y nagkaisa sa isang banal na pangako na si Cristo ang magiging kasiguruhan ng sangkatauhan. Ang pangakong ito'y tinupad ni Cristo. Nang sa krus Siya ay sumigaw, “Naganap na,” pinatungkulan Niya ang Ama. Ang kasunduan ay lubos na naisakatuparan.— The Desire of Ages, p. 834.KDB 72.2

    Hindi sisirain ng Diyos ang Kanyang tipan, o kaya'y babaguhin ang bagay na lumabas sa Kanyang mga bibig. Ang salita Niya ay mananatili magpakailanman, at hindi mababago gaya ng Kanyang trono. Sa paghuhukom, ang tipan na ito ay ipakikita, maliwanag na naisulat sa pamamagitan ng daliri ng Diyos; at ang sanlibutan ay haharap sa hukuman ng Walang-hanggang Hustisya at tatanggap ng hatol.— Prophets and Kings, p. 187.KDB 72.3

    Sa mga pinanghihinaan ng loob ay may siguradong solusyon— pananampalataya, panalangin, at paggawa. Ang pananampalataya at gawain ay magbibigay ng kasiguruhan at kasapatan na lalago araw-araw. Ikaw ba ay natutuksong magbigay daan sa pakiramdam ng pag-aalala o magsalita ng kawalang pag-asa? Sa pinakamadilim na mga araw, na kung titingnan ay parang napakahirap, huwag matakot. Manampalataya sa Diyos. Alam Niya ang iyong pangangailangan. Mayroon Siya ng lahat ng kapangyarihan. Ang Kanyang walang-hanggang pag-ibig at habag ay hindi kailanman napapagod. Huwag matakot na hindi Niya gagawin ang Kanyang ipinangako. Siya ay walang- hanggang katotohanan. Hindi Niya babaguhin ang ginawa Niyang tipan doon sa mga umiibig sa Kanya. At Kanyang ibibigay sa Kanyang tapat na mga lingkod ang sukat na husay na hinihingi ng kanilang pangangailangan.— Ibid., pp. 164, 165.KDB 72.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents