Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ipinakikita ng Nakaladlad na Kalangitan ang Kanyang Kalakasan, Disyembre 4

    Na nag-iisang nagladlad ng kalangitan, at ang mga alon ng dagat ay tinapakan; na siyang gumawa sa Oso at Orion, at sa Pleyades, at sa mga silid ng timog. Job 9:8, 9.KDB 355.1

    Samantalang kailangang taglayin ng Biblia ang pinakamataas na lugar sa edukasyon ng mga bata at kabataan, ang aklat ng kalikasan ay sunod sa kahalagahan. Nagpapatotoo ang mga gawang nilikha ng Diyos sa Kanyang pag-ibig at kapangyarihan. Nilalang Niya ang sanlibutan, kasama ang lahat ng nilalaman nito. Maibigin ang Diyos sa mga bagay na maganda; at sa sanlibutang Kanyang isinaayos para sa atin, hindi lamang Niya ibinigay ang lahat ng kailangan para sa ating kaalwanan, kundi pinuno Niya ang langit at lupa ng kagandahan. Nakikita natin ang Kanyang pag-ibig at pag-aaruga sa mayayamang parang ng taglagas, at ang Kanyang ngiti sa malugod na sikat ng araw. Ginawa ng Kanyang kamay ang mga batuhang tila kastilyo at ang nagtataasang kabundukan. Tumutubo ang matataas na puno sa Kanyang utos; inilatag Niya ang luntiang makinis na alpombra, at tinaniman ito ng mga halaman at bulaklak.KDB 355.2

    Bakit Niya dinamtan ang lupa at mga puno ng buhay na luntian, imbes na madilim at malumbay na kayumanggi? Hindi ba't para sila'y maging higit na kaaya-aya sa paningin? At hindi ba mapupuno ng pasasalamat ang ating mga puso habang nababasa natin ang mga patotoo ng Kanyang karunungan at pag- ibig sa mga kamangha-mangha sa Kanyang nilikha?KDB 355.3

    Ang parehong kalakasang lumalang na nagpairal sa sanlibutan ay ginagamit sa pagtataguyod sa sansinukob at patuloy na pagkilos ng kalikasan. Ginagabayan ng kamay ng Diyos ang mga planeta sa kanilang maayos na pagmamartsa sa gitna ng kalangitan. Hindi dahil sa likas na kapangyarihan na taon-taong nagpapatuloy ang mundo sa kanyang pag-ikot sa araw, at nagbubunga ng kanyang kasaganahan. . . . Yumayabong ang mga halaman, tumutubo ang mga dahon, at namumukadkad ang mga bulaklak sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan.KDB 355.4

    Ang buong natural na mundo ay inanyuan upang maging tagasalin ng mg bagay ng Diyos.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, pp. 185, 186.KDB 355.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents