Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Niya Itatakwil, Nobyembre 10

    Sapagkat hindi itatakuwil ng PANGINOON ang bayan niya, hindi niya iiwan ang kanyang mana. Awit 94:14.KDB 330.1

    Alalahanin nating nakikilala tayo ni Jesus nang indibidwal, at nararamdaman Niya ang ating mga kahinaan. Alam Niya ang mga pagnanasa ng bawat isa sa Kanyang mga nilalang, at binabasa ang mga natatago at hindi nabibigkas na mga kalumbayan ng bawat puso. Kapag nasugatan ang isa sa mga maliliit na pinagbuwisan Niya ng Kanyang buhay, nakikita Niya ito, at tinatawag ang may salang managot. Si Jesus ang Mabuting Pastol. Kinakalinga Niya ang Kanyang mga tupang mahihina, may karamdaman, at pagala-gala. Kilala Niya sa kanilang pangalan ang bawat isa sa kanila. Naaantig ang Kanyang puso ng mahabaging pag-ibig sa paghihirap ng bawat tupa at bawat kordero sa Kanyang kawan, at nakararating sa Kanyang pandinig ang paghingi ng tulong. Sa ganitong paraan ay itinuro ng propeta ang isa sa pinakamalaking pagkakasala ng mga pastol ng Israel: “Hindi ninyo pinalakas ang payat, hindi ninyo pinagaling ang maysakit, o inyo mang tinalian ang may pilay, o inyo mang ibinalik ang naligaw, o inyo mang hinanap ang nawala, kundi inyong pinamumunuan sila na may karahasan at kalupitan. . . . Ang aking mga tupa ay nangalat, sila'y nagsilaboy sa lahat ng bundok, at sa bawat mataas na burol. Ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa, at walang naghanap o nagmalasakit sa kanila.”KDB 330.2

    Nagmamalasakit si Jesus para sa bawat isa na para bang wala ng iba pang tao sa lupa.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 346.KDB 330.3

    Dinadala ng Diyos ang Kanyang bayan palapit sa Kanya sa pamamagitan ng mga mahigpit na pagsubok, sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng sarili nilang mga kahinaan at kawalang-kaya, at sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang sumandig sa Kanya bilang kanilang tanging tagatulong at bantay. Sa gayo'y nagagampanan ang Kanyang layon. Nagiging handa silang magamit sa bawat panahong kinakailangan, upang punan ang mahahalagang posisyon, at gampanan ang mga dakilang layunin na siyang dahilan kung bakit naibigay sa kanila ang kanilang mga kapangyarihan.— Ibid., vol. 4, p. 86.KDB 330.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents