Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagbibigay ng Karangalan ang Tamang Pamumuhay, Setyembre 22

    Ang sumusunod sa katuwiran at kabaitan, ay makakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan. Kawikaan 21:21.KDB 279.1

    Nasa matinding pangangailangan ngayon ang sanlibutan ng kapahayagan ni Cristo Jesus sa katauhan ng Kanyang mga banal. Nais ng Diyos na tumayo ang Kanyang bayan sa harapan ng sanlibutan bilang isang banal na bayan. —Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 458.KDB 279.2

    Sa kasaysayan ni Jose, Daniel, at ng kanyang mga kasamahan, makikita natin kung paanong maaaring ibigkis ang mga kabataan sa trono ng Diyos sa pamamagitan ng gintong kawing ng katotohanan. Hindi sila matutuksong bumaling mula sa kanilang landas ng katapatan. Pinahalagahan nila ang pagtanggap ng Diyos higit sa pagtanggap at papuri ng mga prinsipe, at inibig sila ng Diyos at inilatag Niya ang Kanyang kalasag sa ibabaw nila. Dahil sa kanilang katapatan, dahil sa kanilang pagtatalagang parangalan ang Diyos nang higit sa bawat kapangyarihan ng tao, pinarangalan sila ng Diyos sa harap ng mga tao. . . . Hindi nahihiya ang mga kabataang ito na ipamalas ang kanilang tunay na kulay. Maging sa bulwagan ng hari, sa kanilang mga salita, sa kanilang mga nakagawian, sa kanilang pagkilos, inihayag nila ang kanilang pananampalataya sa Panginoong Diyos ng langit. Tumanggi silang yumukod sa anumang makalupang kautusan na nakababawas sa karangalan ng Diyos. Mayroon silang kalakasan mula sa langit upang ipahayag ang kanilang katapatan sa Diyos. Kailangang maging handa kayong sumunod sa halimbawa ng mararangal na kabataang ito. Huwag ninyong ikahiya ang inyong mga kulay; isuot ninyo ito, iwagayway sa paningin ng mga tao at mga anghel. Huwag kayong magpakontrol sa bulaang kahinhinan, sa bulaang kahinahunan na nagmumungkahi ng gawaing salungat sa payong ito. Sa pamamagitan ng inyong mga piling salita at matapat na gawain, sa pamamagitan ng inyong kagandahang-asal, ng inyong marubdob na kabanalan, gumawa ng hayag na panunumpa ng inyong pananampalataya, na nagnanasang manahan si Cristo sa trono ng kaluluwa; at ibigay ang inyong mga talento nang walang pag-aalinlangan sa Kanyang paanan upang magamit sa Kanyang gawain.— Messages to Young People, pp. 27, 28.KDB 279.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents