Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nabayaran ang Aking Pantubos, Nobyembre 2

    Sapagkat ako ang PANGINOON mong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Aking ibinigay ang Ehipto bilang pantubos sa iyo, ang Etiopia at ang Seba bilang kapalit mo. Isaias 43:3.KDB 322.1

    Maaari tayong magalak sa pag-asa. Nasa makalangit na santuwaryo ang ating Tagapamagitan, na nagsusumamo para sa atin. Sa pamamagitan ng Kanyang mga kabutihan nagkakaroon tayo ng kapatawaran at kapayapaan. Namatay Siya upang mahugasan ang ating mga kasalanan, mabihisan tayo ng Kanyang katuwiran, at gawin tayong handa para sa pakikisama sa langit, kung saan tayo maaaring manahan sa liwanag magpakailanman. . . . Hindi mo maililigtas ang iyong sarili mula sa kapangyarihan ng manunukso; subalit nanginginig at tumatakas siya kapag binabanggit ang mga merito ng mahalagang dugo. Kung gayo'y hindi mo ba malugod na tatanggapin ang mga pagpapalang ibinibigay ni Jesus? . . . Huwag mong saktan ang puso ng mahabaging Tagapagligtas sa pamamagitan ng iyong kawalan ng pananampalataya kahit sa kaunting sandali. Nagbabantay Siya na may matinding interes sa iyong pagsulong sa makalangit na daan; nakikita Niya ang iyong masikap na paggawa; napapansin Niya ang iyong mga kabiguan at iyong paggaling, ang iyong mga pag-asa at mga pangamba, ang iyong mga pakikipagtunggali at iyong mga tagumpay.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 316, 317.KDB 322.2

    Nagnanasa ang Tagapagligtas na magpakita ng Kanyang biyaya at itatak ang Kanyang karakter sa buong mundo. Ito'y Kanyang nabiling pag-aari, at ninanasa Niyang gawing malaya, dalisay, at banal ang mga tao. Bagaman gumagawa si Satanas upang hadlangan ang Kanyang layunin, sa pamamagitan ng dugong nabuhos para sa sanlibutan may mga tagumpay na makakamit na magbibigay kaluwalhatian sa Diyos at sa Kordero.— The Desire of Ages, p. 827.KDB 322.3

    Upang makamit ang tao sa Kanyang sarili, at matiyak ang kanyang walang- hanggang kaligtasan, iniwan ni Cristo ang marangal na bulwagan ng langit, at naparito sa lupa, tiniis ang mga paghihirap ng kasalanan at kahihiyan para sa tao, at namatay upang palayain siya.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 614.KDB 322.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents