Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Gawain ni Cristo Ay Ating Gawain, Oktubre 19

    Upang ihayag ang kalugud-lugod na taon ng PANGINOON, at ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos; upang aliwin ang lahat ng tumatangis. Isaias 61:2.KDB 307.1

    Ang halimbawa ng Tagapagligtas ay dapat magbigay-inspirasyon sa ating mag-ukol ng taimtim at may pagsasakripisyo sa sarili na magsumikap para sa kabutihan ng kapwa. Naparito Siya sa sanlibutang ito bilang walang kapagurang tagapaglingkod ng pangangailangan ng tao. Nahayag sa lahat ng Kanyang sinasabi at ginagawa ang pagmamahal para sa nawaglit na lahi. Dinamtan Niya ng pagkatao ang Kanyang kadiyosan, upang makatayo Siya sa gitna ng mga tao bilang isa sa kanila—isang kabahagi ng kanilang kahirapan at pagdadalamhati. Gaano nga kaabala ang buhay na mayroon Siya! Sa bawat araw makikita Siyang pumapasok sa pinakaabang tahanan na puno ng pangangailangan at kalumbayan, na bumibigkas ng pag-asa sa nalulumbay at kapayapaan sa nagugulumihanan. Ito ang gawain na hinihingi Niyang gawin ng Kanyang bayan ngayon. Mapagpakumbaba, mapagpala, magiliw, at mahabaging lumibot Siya na gumagawa ng kabutihan, na itinataas ang nakayukod at inaaliw ang nalulumbay. Walang lumapit sa Kanya na hindi natulungan. Nagdala Siya ng pag-asa at kasiyahan sa lahat. . . .KDB 307.2

    Ang mga pagkakataong ibinigay Niya sa atin, ang mga pangakong Kanyang binitiwan, ang mga pribilehiyong Kanyang inialok, ay dapat na pukawin tayo tungo sa higit na kasiglahan at pagtatalaga.KDB 307.3

    Ang bawat maidaragdag sa iglesya ay dapat na maging isang instrumento para sa pagsasakatuparan ng panukala ng pagtubos. Ang bawat kapangyarihan ng bayan ng Diyos ay dapat na maitalaga sa pagdadala ng maraming mga anak na lalaki at babae sa Kanya. Sa ating paglilingkod hindi dapat magkaroon ng pagwawalang- bahala, pagkamakasarili. Ang anumang paglayo sa pagtanggi sa sarili, ang anumang pagpapahingalay ng maingat na pagsusumikap ay nangangahulugang napakalaking sukat ng kapangyarihang naibigay sa kaaway.— Testimonies for the Church, vol. 7, pp. 221, 222.KDB 307.4

    Sa ganitong hukbo ng mga manggagawa na katulad ng ating mga kabataan . . . gaano ngang kabilis na madadala sa buong sanlibutan ang mensahe ng Tagapagligtas na naipako sa krus, nabuhay na mag-uli, at malapit ng dumating!— Counsels to Parents, Teachers, and students, p. 555.KDB 307.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents