Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naghihintay Tayo ng Bagong Langit at Bagong Lupa, Disyembre 17

    Ngunit, ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, kung saan ang katuwiran ay naninirahan. 2 Pedro 3:13.KDB 368.1

    Sa pintuan ng Paraiso na binabantayan ng mga kerubin, nahayag ang kaluwalhatian ng Diyos. Dito'y nagtungo si Adan at ang kanyang mga anak upang sumamba sa Diyos. Dito'y pinanibago nila ang kanilang mga panunumpa ng pagsunod sa kautusan, na sa paglabag ay napalayas sila mula sa Eden. Noong nangibabaw sa sanlibutan ang kasalanan, at tiniyak ng kasamaan ng mga tao ang kanilang pagkawasak sa pamamagitan ng baha ng mga tubig, ang kamay na naglagay ng Eden ay inalis mula sa lupa. Ngunit sa huling pagsasauli, kung kailan magkakaroon ng “bagong langit at bagong lupa,” ito'y panunumbalikin na may higit na maluwalhating palamuti kaysa sa pasimula. Kung magkagayon silang nag-ingat sa mga utos ng Diyos ay mabubuhay sa walang-katapusang kalakasan sa ilalim ng puno ng buhay; at sa mga panahong walang hanggan makikita ng mga naninirahan sa mga mundong hindi nagkasala, sa halamanan ng kasiyahang iyon, ang isang halimbawa ng ganap na gawain ng paglalang ng Diyos, na hindi narumihan ng sumpa ng kasalanan—isang halimbawa kung ano ang kahihinatnan ng buong lupa, kung tinupad lamang ng tao ang maluwalhating panukala ng Maylalang.— Patriarchs and Prophets, p. 62.KDB 368.2

    Magkakaroon ng musika roon, at awitan, musika at awitin na, maliban sa mga pangitain ng Diyos, hindi pa narinig ng pandinig o naisip ng tao. . . . Doo'y mapabubuti ang bawat kapangyarihan, madaragdagan ang bawat kakayanan. Isusulong ang pinakadakilang mga gawain, maaabot ang pinakamatayog na mga adhikain, matutupad ang pinakamatataas na pangarap. At magbabangon pa rin ang mga bagong tugatog na kailangang makamit, mga bagong kamanghaan na hahangaan, mga bagong katotohanan na kailangang unawain, mga bagong bagay na tatawag sa mga kapangyarihan ng katawan at pag-iisip at kaluluwa. Ang lahat ng mga kayamanan ng sansinukob ay mabubuksan para sa pag-aaral ng mga anak ng Diyos.— EDUCATION, p. 307.KDB 368.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents