Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kapayapaan, Setyembre 16

    Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man. Juan 14:27.KDB 273.1

    Kapag ating tinatanggap si Cristo bilang nananatiling panauhin sa ating kaluluwa, ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ay ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus. Ang buhay ng Tagapagligtas sa lupa, bagaman naisakabuhayan sa gitna ng tunggalian, ay buhay ng kapayapaan. . . . Walang makagambalang unos na nagmula man sa tao o kay Satanas sa kapayapaan ng ganap na pakikipagniig sa Diyos. At sinasabi Niya sa atin: “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay Ko sa inyo.” . . . Ang kasiyahang mula sa mga mapagkukunan sa lupa ay nagbabago dulot ng mga iba't ibang kalagayan; ngunit ang kapayapaan ni Cristo ay palagian at nananatiling kapayapaan. Hindi ito nakasalalay sa anumang kalagayan ng buhay, sa dami ng makasanlibutang kayamanan, o sa bilang ng kaibigan sa lupa. Si Cristo ang bukal ng tubig ng buhay, at ang kasiyahang nagmumula sa Kanya ay hindi mabibigo.KDB 273.2

    Ang kaamuhan ni Cristo, na ipinahahayag sa tahanan, ay magpapaligaya sa mga nananahan dito; hindi ito nag-uudyok ng anumang di-pagkakasundo, hindi nagbabalik ng galit na tugon, kundi pinakakalma ang naiiritang damdamin, at nagpapalaganap ng kahinahunan na nararamdaman ng lahat ng nasa loob ng nakahahalinang sakop nito. Saanman ito pinahahalagahan, ginagawa nito ang mga sambahayan sa lupa na bahagi ng iisang dakilang sambahayan sa kaitaasan.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 15,16.KDB 273.3

    Si Cristo ang “Prinsipe ng Kapayapaan,” at Kanyang misyon na mapanumbalik sa lupa at sa langit ang kapayapaang sinira ng kasalanan. . . . Sinumang magpapahintulot na maitakwil ang kasalanan, at binubuksan ang kanyang puso sa pag-ibig ni Cristo, ay nakikibahagi sa makalangit na kapayapaang ito.KDB 273.4

    Wala ng iba pang batayan ng kapayapaan kaysa rito. Ang biyaya ni Cristo na tinanggap sa puso, ay dumadaig sa poot; pinapawi nito ang alitan, at pinupuno ang kaluluwa ng pag-ibig. Siyang may kapayapaan sa Diyos at sa kanyang kapwa-tao ay hindi maaaring maging bigong-bigo.— Ibid., pp. 27, 28.KDB 273.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents