Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ni Pablo, Setyembre 29

    Idalangin din ninyo ako upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubukas ng aking bibig, upang ipahayag na may katapangan ang hiwaga ng ebanghelyo, na dahil dito ako'y isang sugong may tanikala; upang ito'y aking maipahayag na may katapangan gaya ng nararapat na aking sabihin. Efeso 6:19, 20.KDB 286.1

    Dumating ang mensahe kay apostol Pablo habang nananalangin sa templo sa Jerusalem, “Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo sa mga Hentil.” Gayundin ang mga tinatawagang makiisa kay Cristo ay kailangang iwanan ang lahat upang sumunod sa Kanya. Kailangang buwagin ang mga lumang samahan, iwanan ang mga panukala para sa buhay, at isuko ang mga makalupang pag-asa. Sa pagsusumikap at mga luha, sa pag-iisa at sa pamamagitan ng sakripisyo, kailangang ihasik ang binhi.KDB 286.2

    Silang nagtatalaga ng katawan, kaluluwa, at espiritu sa Diyos ay palagiang tatanggap ng bagong kaloob ng pisikal, mental, at espirituwal na kapangyarihan. Ang di-maubos na panustos ng kalangitan ay nasa kanila. Binibigyan sila ni Cristo ng hininga ng Kanyang sariling Espiritu, ang buhay ng Kanyang sariling buhay. Ibinibigay ng Banal na Espiritu ang pinakamataas nitong kalakasan upang gumawa sa puso at isip. Pinalalaki at pinararami ng biyaya ng Diyos ang kanilang mga kakayanan, at bawat kasakdalan ng banal na likas ay dumarating upang tulungan sila sa gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa.KDB 286.3

    Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kay Cristo, nagiging ganap sila sa Kanya, at sa kanilang kahinaan bilang tao'y sila'y nabibigyang lakas upang gawin ang mga gawain ng Makapangyarihan sa lahat. —Gospel Workers, pp. 112, 113.KDB 286.4

    Marami ang hindi nakakikita at nakauunawa kung gaano kalakas ang impluwensiya ng bawat isa para sa mabuti o masama. Dapat maunawaan ng bawat mag-aaral na ang mga prinsipyong kanyang itinataguyod ay nagiging isang buhay at humuhubog na impluwensiya sa karakter. Siyang tumatanggap kay Cristo bilang kanyang personal na Tagapagligtas ay magmamahal kay Jesus, at sa lahat na pinagbuwisan ni Cristo ng buhay; sapagkat si Cristo ay sa kanya'y bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan. Kanyang isusuko ang sarili na walang pag-aatubili sa pangunguna ni Cristo.— Messages to Young People, p. 29.KDB 286.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents