Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iniuugnay Tayo ng mga Anghel sa Langit, Disyembre 15

    Pag-ingatan ninyong huwag hamakin ang isa man sa maliliit na ito, sapagkat sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel sa langit ay patuloy na nakikita ang mukha ng aking Ama na nasa langit. Mateo 18:10.KDB 366.1

    Kayong mga Fariseo, sabi ni Cristo, tinitingnan ninyo ang inyong sarili na mga pinakamamahal ng langit. Iniisip ninyong ligtas kayo sa sarili ninyong katuwiran. Alamin ninyo ngayon, na kung hindi ninyo kailangan ng pagsisisi, ang Aking misyon ay hindi sa inyo. Itong mga abang kaluluwa na nakadarama sa kanilang kahirapan at pagkamakasalanan, ang siyang Aking pinuntahan dito upang iligtas. Nagmamalasakit ang mga anghel sa langit sa mga nawaglit na ito na inyong kinamumuhian. Umaangal kayo at nangungutya kapag iniuugnay ng isa sa mga kaluluwang ito ang kanilang sarili sa Akin; ngunit dapat malaman ninyo na nagagalak ang mga anghel, at umaalingawngaw sa mga bulwagan sa kaitaasan ang mga awit ng tagumpay.— Christ’s object Lessons, pp. 189, 190.KDB 366.2

    Nagmamatyag ang mga anghel na may matinding pagmamalasakit upang makita kung paano pinakikitunguhan ng tao ang kanyang kapwa. Kapag may namamasdan silang nagpapakita ng simpatyang katulad kay Cristo para sa mga nagkakamali, lumalapit sila sa kanyang tabi, at dinadala sa kanyang alaala ang mga salitang dapat bigkasin na magiging katulad ng tinapay ng buhay sa kaluluwa.— Ibid., p. 149.KDB 366.3

    Kung hindi maibalik sa kawan ang tupang naligaw, gumagala ito at napapahamak. At maraming kaluluwa ang napapahamak dahil sa kakulangan ng unat na kamay upang magligtas. Ang mga nagkakasalang ito'y tila matigas at mapangahas; ngunit kung tinanggap nila ang katulad na pakinabang na nagkaroon ang iba, maaari sanang nagpakita sila ng higit na karangalan ng kaluluwa, at higit na talento na mapakikinabangan. Nahahabag ang mga anghel sa mga pagala-galang ito. Umiiyak ang mga anghel, samantalang tuyo ang mga mata ng tao at sarado ang mga puso sa kahabagan.— Ibid., pp. 191, 192.KDB 366.4

    May ganap na kaayusan at pagkakasundo sa banal na lunsod. Ang lahat ng mga anghel na naatasang dumalaw sa lupa ay may hawak na gintong tarheta, na kanilang ibinibigay sa mga anghel sa mga pintuan ng lunsod sa tuwing dumadaan sila papasok at palabas.— Early Writings, p. 39.KDB 366.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents