Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapasya ng Isang Disipulo, Setyembre 9

    Iniwan niya ang lahat, tumayo, at sumunod sa kanya. Lucas 5:28.KDB 266.1

    Nang tinawag ni Cristo ang Kanyang mga alagad na sumunod sa Kanya, hindi Siya nangako ng mga nakagaganyak na pribilehiyo sa buhay na ito. Hindi Siya nangako ng pakinabang o karangalang makasanlibutan, ni hindi Siya nagsabi ng anumang bagay na kanilang tatanggapin. Kay Mateo habang siya'y nakaupo sa bayaran ng buwis, sinabi ng Tagapagligtas, “Sumunod ka sa Akin, at siya ay tumayo at sumunod sa Kanya.” Bago magbigay ng paglilingkod, hindi humingi si Mateo ng suweldo na katumbas ng kanyang tinatanggap sa rati niyang trabaho. Sinundan niya si Jesus nang walang pagtatanong o pagdadalawang-isip. Sapat na sa kanya na makasama niya ang Tagapagligtas, upang kanyang marinig ang Kanyang mga salita at makisama sa Kanya sa Kanyang gawain.KDB 266.2

    Gayundin sa mga alagad na naunang tinawag. Noong sinabihan si Pedro at ang kanyang kasama na sumunod sa Kanya, agad nilang iniwanan ang kanilang bangka at lambat. Ang ilan sa mga alagad na ito'y may mga kaibigan na umaasa sa kanila para sa kabuhayan; ngunit noong kanilang tinanggap ang paanyaya ng Tagapagligtas, hindi sila nagdalawang-isip na nagtatanong, “Paano ako mabubuhay, at matutustusan ang aking pamilya?” Naging masunurin sila sa panawagan; at pagkatapos nito noong tinanong sila ni Jesus, “Nang kayo'y suguin Ko na walang supot ng salapi, o supot ng pagkain, at mga sandalyas, kinulang ba kayo ng anuman?” At kanilang sinabi, “Hindi”KDB 266.3

    Ngayon ay tinatawagan tayo ng Tagapagligtas, kung paanong tinawagan Niya si Mateo at Juan at Pedro sa Kanyang gawain. Kung nahipo ang ating mga puso ng Kanyang pag-ibig, hindi magiging pangunahin ang suweldo sa ating mga isip.— Gospel Workers, pp. 113,114.KDB 266.4

    Palaging mahigpit ang prinsipyo. Walang maaaring magtagumpay sa paglilingkod sa Diyos malibang ang kanyang buong puso'y nasa gawain, at itinuturing niyang kalugihan ang lahat ng mga bagay para sa kahigitan ng pagkakakilanlan kay Cristo. . . . Saanmang daan Siya aakay, magagalak silang sumunod.— The Desire of Ages, p. 273.KDB 266.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents