Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtatalaga ng mga Taga-Macedonia, Setyembre 25

    Ako ay makapagpapatunay na sila ay kusang loob na nagbigay ayon sa kanilang kakayahan, ... At ito ay hindi tulad sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. 2 Corinto 8:3-5.KDB 282.1

    Halos lahat ng mga mananampalatayang taga-Macedonia ay mahirap sa mga kayamanan ng sanlibutan, ngunit ang kanilang mga puso ay umaapaw sa pag-ibig para sa Diyos at Kanyang katotohanan, at malugod silang nagbigay para sa suporta ng ebanghelyo. Noong tipunin ang pangkalahatang koleksyon sa mga iglesya ng mga Hentil para sa pagtulong sa mga mananampalatayang Judio, ginawang halimbawa ang kabutihang-loob ng mga nahikayat sa Macedonia para sa mga ibang iglesya. Sa pagsulat sa mga mananampalataya sa Corinto, dinala ng apostol ang kanilang pansin sa “biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa mga iglesya ng Macedonia; kung paanong sa matinding pagsubok ng kapighatian, ang kasaganaan ng kanilang kagalakan at ang kanilang labis na kahirapan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob. . . . na sila ay kusang-loob na nagbigay ayon sa kanilang kakayahan, at higit pa sa kanilang makakaya. . . .”KDB 282.2

    Ang kahandaang magsakripisyo ng mga mananampalatayang taga-Macedonia ay dumating bilang bunga ng buong-pusong pagtatalaga. Kinilos ng Espiritu ng Diyos, “ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon;” pagkatapos ay naging handa silang magbigay nang malaya ng kanilang pag-aari para sa pagtataguyod ng ebanghelyo. Hindi na kinakailangang udyukan silang magbigay; bagkus, nagalak sila sa pagkakataong tanggihan ang kanilang sarili maging ng mga bagay na kinakailangan para lamang matustusan ang pangangailangan ng iba. Nang pipigilan sila ng apostol, pinilit nila siyang tanggapin ang kanilang handog. Sa kanilang kapayakan at katapatan, at sa kanilang pag-ibig para sa mga kapatid, magalak nilang tinanggihan ang kanilang sarili, at sa gayo'y naging mayaman sa bunga ng kabutihang-loob. . . .KDB 282.3

    Ang espirituwal na kayamanan ay nakatali sa Cristianong kabutihang-loob. Ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat na magalak sa kanilang pribilehiyo ng paghahayag sa kanilang mga buhay ng kabutihan ng kanilang Manunubos.— The Acts of the Apostles, pp. 343, 344.KDB 282.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents