Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hunyo—Inaakay ng Espiritu

    Ang Pinakadakilang Gawain sa Lupa, Hunyo 1

    “Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala” Lucas 19:10,TKK 163.1

    May pananagutan sa Diyos na maging dalisay at banal ang lahat ng nananampalataya kay Cristo bilang personal na Tagapagligtas, na maging manggagawang espiritwal, na nagsisikap na mailigtas ang mga nawaglit, maging sila man ay dakila o mahina, mayaman o mahirap, alipin o malaya. Ang pinakadakilang gawain sa lupa ay ang hanapin at iligtas silang nangawaglit, na pinagbayaran ni Cristo ng walang hanggang halaga ng Kanyang sariling dugo. Lahat ay dapat na gumawa ng aktibong paglilingkod, at kung hindi ikakalat nilang pinagpala ng liwanag ang liwanag sa iba, maiwawala nila ang mayamang biyaya na nabigay sa kanila, dahil pinapabayaan nila ang banal na tungkulin na malinaw na nahayag sa Salita ng Diyos. Habang humihina ang liwanag ng hindi tapat, nadadala sa kapahamakan ang kanyang sariling kaluluwa; at silang dapat ay naliwanagan nila ay hindi nakakamit ang paggawa na sinadya ng Diyos na mapasakanila sa pamamagitan ng taong ginagamit ng Diyos. Sa gayon ang tupang hindi hinahanap ay hindi naibabalik sa kawan.TKK 163.2

    Nagtitiwala ang Diyos sa iyo na gampanan mo ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya, at Siya mismo ang magbibigay ng bunga. Kung makikipagtulungan ang mga tao sa makalangit na karunungan, libu-libong kaluluwa ang maililigtas. Bibigyan ng Banal na Espiritu ang mga manggagawa ng mga sulyap ni Jesus na magpapatibay sa kanila para sa bawat pakikidigma, na magtataas at magpapalakas sa kanila, at gagawin silang higit pa sa mananagumpay. Kapag nagkatipon ang dalawa o tatlo upang pagkaisahin ang kanilang kaisipan, at ipadala ang kanilang mga panalangin, para sa kanila ang pangako: “At sinasabi Ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makakakita; tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan” (Lucas 11:9). “Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa Kanya?” (talatang 13). Ipinangako ng Panginoon na kung saan nagtitipon ang dalawa o tatlo, naroon Siya sa kalagitnaan nila. Silang nagtitipon para sa panalangin ay tatanggap ng bendisyon mula sa Kanya na Banal.— REVIEW AND HERALD, June 30,1896 .TKK 163.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents