Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naghahanap ng Kayamanan, Abril 6

    “Ang kaharian ng langit ay tulad sa nakatagong kayamanan sa isang bukid; na natagpuan ng isang tao, at tinabunan niya ito. Sa kanyang kagalakan ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon” Mateo 13:44.TKK 105.1

    Sa ating kapanahunan nalulugod ang iglesya sa mga mababaw na katotohanan ng kapahayagan, na ginawang malinaw at madaling maunawaan na anupa't iniisip ng marami na ibinibigay ng mga ito ang lahat ng kinakailangan, at sa pagtanggap ng mga ito'y nasiyahan na sila. Ngunit hindi pahihintulutan ng Banal na Espiritu, na gumagawa sa isipan, ang ganitong katamaran. Gumising ito sa marubdob na pagnanais para sa katotohanang hindi nasira ng kamalian at maling doktrina. Ang makalangit na katotohanan ay gagantimpalaan ang masigasig na naghahanap. Ang isipang talagang gustong malaman kung ano ang katotohanan ay hindi makukuntento sa katamaran.TKK 105.2

    Itinulad sa isang kayamanan na nakatago sa isang bukirin ang kaharian ng langit, “na natagpuan ng isang tao, at tinabunan niya ito. Sa kanyang kagalakan ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.” Binibili niya ito upang kanyang matrabaho, bungkalin ang bawat bahagi nito, at angkinin ang mga kayamanan nito. Gawain ng Banal na Espiritu na pangunahan ang paghahanap na ito at gantimpalaan ito. Iyong naghahanap, samantalang naghuhukay sa bukid, ay nakakakita ng mga guhit ng mahahalagang mineral na nais niyang timbangin kung gaano kahalaga, at lalo niyang pinapalalim ang hukay para sa higit pang mahahalagang mga kayamanan. Sa ganitong paraa'y natutuklasan ang mayamang deposito. Hindi napupuno ng mga linya ng mahahalagang mineral ang mga minahan ng ginto sa lupa na tulad ng bukirin ng kapahayagan na nagluluwat ng hindi masukat na kayamanan ni Cristo.TKK 105.3

    Nais ng Diyos na ang bawat isa sa Kanyang nananampalatayang mga anak ay maging mayaman sa pananampalataya; at bunga ito ng paggawa ng Banal na Espiritu sa puso. Mula sa puso, gumagawa ang Banal na Espiritu palabas, na naglilinang ng isang karakter na tatanggapin ng Diyos. Napakalawak na bukirin ng mga kayamanan ng katotohanan ang idinagdag ni Cristo sa larangan ng pananampalataya upang makita ng Kanyang mga alagad! Kailangan natin ng higit na dakilang pananampalataya kung nais nating magkaroon ng mas mabuting kaalaman ng Salita. Ang pinakamalaking balakid sa pagtanggap natin ng banal na kaliwanagan ay ang hindi natin pagtitiwala sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.— THE ELLEN G. WHITE 1888 MATERIALS, pp. 1537,1538 .TKK 105.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents