Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Natitigil ang Pagmamataas, Pebrero 16

    Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa akin, na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip sa kanyang sarili nang higit kaysa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip nang may katinuan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinamahagi ng Diyos sa bawat isa, Roma 12:3,TKK 54.1

    Isa sa mga paraan ng Diyos para pabanalin tayo ay ang pagtanggap sa katotohanan. Kung mas malinaw nating nauunawaan ang katotohanang ipinadadala Niya sa atin, at kung mas tapat natin itong sinusunod, mas magiging mababa rin tayo sa sarili nating paningin, at mas itataas tayo sa paningin ng makalangit na sansinukob. Kung mas hindi makasarili ang mga pagsisikap natin para sa Diyos, mas higit ding katulad ni Cristo ang impluwensya nito, at mas malaki rin ang kabutihang magagawa nito.TKK 54.2

    May malaking pagkakaiba sa pagitan ng espiritu ng mundo at ng espiritu ni Cristo. Ang isa'y patungo sa paghahanap para sa sarili, sa pagsisikap para sa mga kayamanang susunugin ng apoy sa huling araw; ang isa nama'y patungo sa pagtanggi sa sarili at pagsasakripisyo ng sarili, sa pagsisikap para sa mga kayamanang hindi masisira.TKK 54.3

    Ang Banal na Espiritu, na tinanggap sa pananampalataya, ay bumabasag sa mga matitigas na puso. Ito ang kaluluwa at kapangyarihan ng pagpapabanal ng katotohanan, ang pinagmumulan ng pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at dumadalisay sa puso. Ang lahat ng tunay na pagkakataas ay galing sa pagpapakumbabang nahubog sa buhay ni Cristo, na ipinakita ng kamangha-manghang sakripisyong ginawa Niya upang ligtas ang mga kaluluwang napapahamak. Ang itinataas ng Diyos ay kailangan munang ibaba ang kanyang sarili. Itinaas ng Diyos si Cristo sa ibabaw ng lahat ng pangalan. Pero nakarating muna ni Cristo sa pinakailalim ng kasawian ng tao, na inihabi ang Kanyang sarili sa mga damdamin ng lahi ng tao sa pamamagitan ng Kanyang kaamuan at kahinahunan. Nagbigay Siya ng halimbawa na dapat sundan ng lahat ng sasangkot sa paglilingkod sa Kanya.TKK 54.4

    “Matuto kayo sa Akin,” sabi ng pinakadakilang Tagapagturo na nakilala ng sanlibutan. “Matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:29). Hindi sapat na basahin natin ang Salita ng Diyos. Ibinigay ang Kasulatan para sa ikatututo natin, at kailangan natin itong saliksikin nang buong ingat at buong sikap. Pag-aralan natin ang Salita ng Diyos, na inihahambing ang isang bahagi sa iba pang bahagi. Talata ang susi na nagbubukas sa talata. Habang tayo'y nagbabasa at nag-aaral at nananalangin, nasa ating tabi ang banal na Tagapagturo, ang Banal na Espiritu, na nililiwanagan ang ating pang-unawa, upang ating maintindihan ang mga dakilang katotohanan ng Salita ng Diyos.— PACIFIC UNION RECORDER, February 23,1905 .TKK 54.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents