Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hinahangad ang Pagkakaisa, Oktubre 6

    Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili, Filipos 2:3,TKK 294.1

    Dapat gumawa sa ganap na pagkakaisa ang mga lingkod ng Diyos. Nagdudulot ang pagtatalo ng paglalayo ng damdamin at alitan at hindi pagkakasundo. Itinagubilin sa akin na hindi kailangang gugulin ng ating mga iglesya ang kanilang oras sa alitan. Kapag ang isang espiritu ng pagtatalo ay nakikipagpunyagi upang mangibabaw, huminto, at ayusin ang mga bagay, kung hindi, si Cristo ay kaagad na darating, at aalisin ang iyong kandelero sa kinalalagyan nito. Hayaang mangyari ang taimtim na gawain ng pagsisisi. Hayaan ang Espiritu ng Diyos na suriin ang isip at puso, at linisin ang lahat ng humahadlang sa kinakailangang repormasyon. Hanggang sa magawa ito, hindi maaaring ipagkaloob ng Diyos sa atin ang Kanyang kapangyarihan at biyaya. At habang wala tayong kapangyarihan at biyaya Niya, ang mga tao ay matitisod at mahuhulog, at hindi malalaman kung ano ang kanilang natisuran.TKK 294.2

    Ang pag-ibig ni Cristo ang bigkis na siyang magdadala ng pagkakaisa sa mga mananampalataya puso sa puso at isip sa isip.TKK 294.3

    Ibinuhos ang dugo ni Cristo para sa buong sangkatauhan. Walang kailangang mawala. Ang mga nawala ay mamamatay dahil pinili nilang talikuran ang isang walang hanggang kaligayahan para sa kasiyahan ng pagsunod sa sariling nilang gusto. Ito ang pinili ni Satanas, at ngayon ang kanyang gawain at ang kanyang kaharian ay nagpapatotoo sa katangian ng kanyang pinili. Ang krimen at kahirapan na pumupuno sa ating mundo, ang kakila-kilabot na mga pagpatay na nangyayari araw-araw, ay bunga ng pagpapasakop ng tao sa mga prinsipyo ni Satanas.TKK 294.4

    Mga kapatid, basahin ang aklat ng Apocalipsis mula simula hanggang wakas, at tanungin ang inyong mga sarili kung hindi ba mas mabuting gumugol kayo ng mas kaunting oras sa alitan at pagtatalo, at simulang isipin kung gaano tayo kabilis na nalalapit sa huling malaking krisis. Yaong mga naghahangad na ipakita na walang espesyal na kahulugan na kalakip ang mga paghatol na ipinapadala ngayon ng Panginoon sa mundo ay malapit nang mapilitang maunawaan ang hindi nila pinipiling maunawaan ngayon.— REVIEW AND HERALD, August 20,1903 .TKK 294.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents