Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May Pagkakaisa, Oktubre 5

    Nang dumating ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nagkakatipon sa isang lugar, Mga Gawa 2:1,TKK 293.1

    Tulad ng sa unang mga disipulo, ang pangako ng Espiritu ay atin ngayon. Pagkakalooban ngayon ng Diyos ang mga lalaki at babae ng kapangyarihan mula sa itaas, tulad ng Kanyang pagkakaloob sa mga nakarinig ng salita ng kaligtasan sa araw ng Pentecostes. Sa mga oras na ito, ang Kanyang Espiritu at Kanyang biyaya ay para sa lahat ng nangangailangan ng mga ito, at panghahawakan Siya sa Kanyang salita.TKK 293.2

    Pansinin na pagkatapos dumating ng mga disipulo sa ganap na pagkakaisa, nang sila ay hindi na nagsusumikap para sa pinakamataas na puwesto, ang Espiritu ay ibinuhos. Nagkaisa sila. Inalis ang lahat ng mga pagkakaiba. At magkatulad ang patotoong dala nila pagkatapos maibigay ang Espiritu. Tandaan ang salita: “Ang buong bilang ng mga sumampalataya ay may pagkakaisa sa puso at kaluluwa” (Mga Gawa 4:32). Ang Espiritu Niyang namatay upang mabuhay ang mga makasalanan ay nagpasigla sa buong kongregasyon ng mga mananampalataya.TKK 293.3

    Hindi humingi ng pagpapala para sa kanilang sarili ang mga alagad. Sila ay binibigatan ng pasanin ng mga kaluluwa. Dadalhin ang ebanghelyo sa hangganan ng mundo, at inangkin nila ang kaloob ng kapangyarihan na ipinagako ni Cristo. Pagkatapos ay ibinuhos ang Banal na Espiritu, at libu-libo ang nagsisampalataya sa isang araw.TKK 293.4

    Sa gayon ay maari rin ngayon. Hayaan ang mga Crsitano na alisin ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan at ibigay ang kanilang mga sarili para sa pagliligtas ng mga nawawala. Hayaan silang humingi nang may pananampalataya para sa ipinangakong pagpapala, at darating ito. Ang pagbuhos ng Espiritu sa panahon ng mga alagad ay “ang unang ulan,” at maluwalhati ang naging bunga. Ngunit magiging mas masagana ang huling ulan. Ano ang pangako sa mga nabubuhay sa mga huling araw na ito? “Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa, ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa” (Zacarias 9:12) “Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol, mula sa PANGINOON na gumagawa ng ulap na may dalang unos, at kanyang bibigyan sila ng ulan, sa bawat isa'y ng damo sa parang” (Zacarias 10:1).— TESTIMONIES fOR THE CHURCH, vol. 8, pp. 20,21 .TKK 293.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents