Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Parang Hanging Di-nakikita, Enero 7

    “Humihihip ang hangin kung saan nito ibig at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo nalalaman kung saan ito nanggagaling at kung saan tutungo, Ganon ang bawat isang ipinapanganak ng Espiritu,” Juan 3:8.TKK 13.1

    Naririnig sa mga sanga ng mga puno ang hangin, pumapagaspas sa mga dahon at bulaklak; gayunman ito'y hindi nakikita, at walang nakaaalam kung saan ito nagmula at kung saan ito tutungo. Ganon din sa gawain ng Banal na Espiritu sa puso. Hindi maipapaliwanag [ang Espiritu] kagaya rin ng pagkilos ng hangin. Maaaring hindi masabi ng isang tao ang tiyak na oras o lugar, o mabaybay ang lahat ng pangyayari sa proseso ng pagkahikayat; ngunit hindi ito patunay na hindi siya hikayat.TKK 13.2

    Sa pamamagitan ng isang kapangyarihang hindi nakikita katulad ng hangin, palaging gumagawa si Cristo sa puso. Paunti-unti, at marahil ay hindi namamalayan ng tumatanggap, nagagawa ang mga impresyon na nagpapalapit sa kaluluwa kay Cristo. Maaaring matanggap ang mga ito sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Kanya, sa pagbabasa ng Kasulatan, o sa pakikinig ng Salita mula sa buhay na mangangaral. Habang dumarating ang Espiritu sa mas direktang panawagan, bigla na lang isinusuko nang malugod ng kaluluwa ang sarili nito kay Jesus. Tinatawag ito ng marami na biglaang pagkahikayat; pero resulta ito ng matagal nang panunuyo ng Espiritu ng Diyos—isang matiyaga at mahabang proseso. Bagama't ang hangin mismo ay hindi nakikita, nagdudulot ito ng mga epekto na nakikita at nararamdaman. Sa ganon ding paraan, ang paggawa ng Espiritu sa kaluluwa ay makikita sa bawat kilos ng taong nakadama sa nagliligtas na kapangyarihan nito. Kapag pinagharian ng Espiritu ng Diyos ang puso, binabago nito ang buhay. Ang mga makasalanang kaisipan ay inaalis, tinatanggihan ang masasamang gawa; ang pagmamahal, pagpapakumbaba, at kapayapaan ay pumapalit sa galit, pagkainggit, at kaguluhan. Pinapalitan ng kasiyahan ang kalungkutan, at nakikita sa mukha ang liwanag ng kalangitan. Walang nakakakita sa kamay na nagtatanggal ng pasan, o nakamamasid sa liwanag na bumababa mula sa mga bulwagan ng kaitaasan. Dumarating ang pagpapala kapag ipinapasakop ng kaluluwa ang sarili nito sa Diyos. Pagkatapos, ang kapangyarihang iyon na hindi nakikita ng tao ay lumilikha ng isang bagong nilalang sa larawan ng Diyos.TKK 13.3

    Imposibleng maunawaan ng may-hangganang isipan ang gawain ng pagtubos. Lagpas sa kaalaman ng tao ang hiwaga nito; pero alam ng taong lumipat mula kamatayan tungo sa buhay na ito'y isang banal na reyalidad. Puwede nating maunawaan dito sa pamamagitan ng personal na karanasan ang pasimula ng pagtubos. Ang mga resulta nito'y abot hanggang sa walang- hanggang kapanahunan.— THE DESIRE of AGES, pp. 172,173.TKK 13.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents