Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Suot ang Putong ng Nagtagumpay, Disyembre 19

    “Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya, Ang magtagumpay ay hindi masasaktan ng ikalawang kamatayan” Apocalipsis 2:11TKK 370.1

    Ang mga salitang, “Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya” ay inuulit pagkatapos ng mga pangakong ito, na may mabigat na kahalagahan sa mga anak ng Diyos. Ito ay para sa ating walang hanggang layuning malaman at maunawaan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya, at dapat tayong maingat na magsaliksik ng liwanag at kaalaman upang hindi tayo maging ignorante sa ipinag-utos at ipinangako ng Diyos sa Kanyang mahalagang Salita. May mga kaluluwa tayong maililigtas o maiwawala, at taglay ang dakilang kasigasigan ay dapat nating maitanong, “Ano ang aking gagawin para magtamo ng buhay na walang hanggan?” Sa pinakamabuti, ang buhay ay maikli lamang, at mahalagang ipamuhay natin ang maikling buhay na ito na kasang-ayon sa kautusan ng Diyos, na siyang kautusan ng kalawakan. Dapat tayo magkaroon ng tainga para makinig, at puso para umunawa, kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.TKK 370.2

    Ang mga anghel ng Diyos ay hindi nakaabot sa mas mataas na kaalamang higit sa pagkaalam ng kalooban ng Diyos; at ito ang dakilang kaligayahan nila na isagawa ang sakdal na kalooban ng Ama sa langit. Ang nagkasalang tao ay may pribilehiyo ng pagiging matalino sa bagay na may kinalaman sa kalooban ng Diyos. Habang ipinagkaloob sa atin ang panahon ng probasyon, dapat nating gamitin ang kakayahan natin sa pinakamataas na gamit, upang magawa natin sa ating sarili ang lahat ng posible; at habang inaabot natin ang pinakamataas na antas ng karunungan, dapat nating madama ang ating pagdepende sa Diyos, sapagkat kung wala ang Kanyang biyaya, hindi magkakaroon ng pangmatagalang pakinabang ang ating mga pagsisikap. Ito ay sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo na tayo ay magiging mapagtagumpay; sa pamamagitan ng Kanyang dugo tayo ay magiging kabilang doon sa mga pangalang hindi aalisin sa aklat ng buhay.TKK 370.3

    Yaong mga nagtagumpay sa huli ay magkakaroon ng buhay na tumatakbo kahilera ng buhay ng Diyos, at magsusuot ng putong ng nagtagumpay. Kapag naghihintay sa atin ang gayong dakila at walang hanggang gantimpala, dapat nating takbuhin ang karera na may pagtitiis, na tumitingin kay Jesus, ang gumawa at tumatapos ng ating pananampalataya.— SIGNS OF THE TIMES, June 15,1891.TKK 370.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents