Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tinutulungan Tayo ng Espiritu, Enero 18

    At gayundin naman, ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan; sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat; ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan na may mga daing na hindi maipahayag. Roma 8:26.TKK 24.1

    Ang Banal na Espiritu ang may-akda ng lahat ng tunay na panalangin. Natutuhan kong alamin na sa lahat ng aking pamamagitan sa panalangin ang Espiritu ang namamagitan para sa akin at sa lahat ng mga banal; ngunit ang lahat ng Kanyang pamamagitan ay ayon sa kalooban ng Diyos, hindi kailanman salungat sa Kanyang kalooban. “Ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan;” at ang Espiritu, dahil Diyos, ay alam ang isip ng Diyos; kaya't sa bawat panalangin natin para sa may sakit, o para sa iba pang pangangailangan, ang kalooban ng Diyos ay dapat isaalang-alang, “Sapagkat sinong tao ang nakakaalam ng isipan ng isang tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? Kaya't walang nakakaalam ng mga isipan ng Diyos, maliban sa Espiritu ng Diyos” (1 Corinto 2:11).TKK 24.2

    Kung tayo'y naturuan ng Diyos, mananalangin tayo nang kaayon ng Kanyang hayag na kalooban, at nang may pagpapasakop sa Kanyang kalooban na hindi natin alam. Dapat tayong magsumamo nang sang-ayon sa kalooban ng Diyos, na umaasa sa mahalagang Salita, at naniniwala na hindi lamang ibinigay ni Cristo ang Kanyang sarili para sa Kanyang mga alagad kundi talagang ibinigay sa Kanyang mga alagad. Sinasabi ng tala na, “Sila'y hiningahan Niya, at sa kanila'y sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo’ ” (Juan 20:22).TKK 24.3

    Naghihintay si Jesus na mahingahan ang lahat Niyang mga alagad, at ibigay sa kanila ang inspirasyon ng nagpapabanal Niyang Espiritu, at isalin sa Kanyang bayan ang napakahalagang impluwensiya mula sa Kanyang sarili. Gusto Niyang maintindihan nila na mula ngayo'y hindi na sila puwedeng maglingkod sa dalawang panginoon. Hindi puwedeng mahati ang kanilang buhay. Kailangang tumira si Cristo sa Kanyang mga instrumentong tao, at gumawa sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan, at kumilos sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan. Kailangang ipasakop ang kanilang kalooban sa Kanyang kalooban, kailangan nilang kumilos kasama ng Kanyang Espiritu upang hindi na sila ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa kanila. Sinisikap na itanim ni Jesus sa kanila ang kaisipan na sa pagbibigay Niya ng Kanyang Banal na Espiritu, ibinibigay Niya sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay sa Kanya ng Ama, upang Siya at ang Kanyang bayan ay magkaisa sa Diyos. Kailangang maipasakop ang ating paraan at kagustuhan sa kalooban ng Diyos, nalalamang ito'y banal, at matuwid, at mabuti (Roma 7:12).— SIGNS of THE TIMES, October 3,1892.TKK 24.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents