Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mula sa Pagiging Pula Hanggang sa Maging Puti, Oktubre 14

    “Pumarito kayo ngayon, at tayo'y mangatuwiran sa isa't isa, sabi ng PANGINOON: bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito'y mapulang-mapula, ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa,” Isaias 1:18,TKK 302.1

    Kapag naaalala mo na binayaran ni Cristo ang halaga ng Kanyang sariling dugo para sa iyong katubusan at para sa katubusan ng iba, maaantig kang saluhin ang maliwanag na sinag ng Kanyang katuwiran, upang maibuhos mo ito sa landas ng mga nasa paligid mo. Hindi ka dapat tumingin sa hinaharap, iniisip na sa isang malayong araw ikaw ay gagawing banal; dapat kang pakabanalin ngayon sa pamamagitan ng katotohanan. Naghihimok ang propeta: “Inyong hanapin ang Panginoon habang siya'y matatagpuan, tumawag kayo sa kanya habang siya'y malapit. Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kanyang kaaawaan siya; at sa aming Diyos, sapagkat siya'y magpapatawad ng sagana” (Isaias 55:6, 7). At sinabi ni Jesus, “Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi ko . . . hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa” (Mga Gawa 1:8).TKK 302.2

    Dapat nating tanggapin ang Espiritu Santo. Nagkaroon tayo ng kaisipan na hindi para sa tulad natin ang kaloob na ito ng Diyos, na masyadong sagrado ang kaloob ng Banal na Espiritu, na masyadong banal para sa atin; ngunit ang Banal na Espiritu ay ang Mang-aaliw na ipinangako ni Cristo sa Kanyang mga alagad upang ipaalaala sa kanila ang lahat ng mga bagay, anuman ang Kanyang sinabi sa kanila. Kaya itigil natin ang pagtingin sa ating sarili, datapwat tumingin sa Kanya na pinagmulan ng lahat ng kabutihan. Walang sinuman ang makapagpapabuti sa kanyang sarili, ngunit dapat tayong lumapit kay Jesus bilang tayo, na taimtim na nagnanais na maging malinis mula sa bawat batik at mantsa ng kasalanan, at tanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu. Hindi natin dapat pagdudahan ang Kanyang kahabagan, at sabihing, “Hindi ko alam kung maliligtas ako o hindi” Sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya, dapat nating panghawakan ang Kanyang pangako, sapagkat sinabi Niya, “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito'y mapulang-mapula, ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa”TKK 302.3

    Dapat tayong maging mga saksi para kay Cristo, na inihahayag sa iba ang liwanag na pinahihintulutan ng Panginoong lumiwanag sa atin. Dapat tayong maging tapat na mga sundalong humahayo sa ilalim ng watawat na nabahiran ng dugo ni Prinsipe Emmanuel.— SIGNS OF THE TIMES, April 4,1892.TKK 302.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents