Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mas Malapit Kay Jesus, Disyembre 13

    Kaya't pasakop kayo sa Diyos, labanan ninyo ang diyablo, at siya ay lalayo sa inyo, Lumapit kayo sa Diyos, at siya'y lalapit sa inyo, Maglinis kayo ng inyong mga kamay, mga makasalanan, at pabanalin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang pag-iisip, Santiago 4:7, 8TKK 364.1

    Kapag dumarating sa atin ang tukso, kailangan natin ng espiritwal na pang-unawa, upang mahalata natin ang mga pamamaraan ni Satanas, at lumapit kay Jesus. Lumapit sa Diyos, at lalapit Siya sa iyo. Labanan ang demonyo, at lalayo siya sa iyo. Sa bawat sandali ay mahalagang makipaglaban ng mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, sapagkat dapat labanan ang pagdududa, at pasiglahin ang pananampalataya. Sa tukso, dapat mangibabaw ang kaisipan sa kinahiligan. Maghuhumiyaw ang sarili upang mapagbigyan, ngunit dapat tanggihan ang kinahiligan, at pagtagumpayan ang tukso.TKK 364.2

    Nagbigay ang Panginoon ng mga babala, nagpakita Siya ng mga prinsipyong mahalagang sundin at praktikal na isabuhay ng bawat Cristiano. Ang mga nagpapatuloy nang walang pakialam sa liwanag at babalang magiliw na ibinigay ng Diyos ay lalo pang magiging makasarili at kampante. Tiyak na mapapabagsak ng kaaway ang mga hindi nakadepende sa Diyos. Kumikilos si Satanas sa pamamagitan ng lahat ng maiisip na paraan upang mapanatili sa kanyang panig ang mga nag-aangking kakampi ng Diyos. Nabubulag niya ang kanilang mga mata hanggang tawagin nilang liwanag ang kadiliman, at ang kadiliman, liwanag. . . .TKK 364.3

    Bagaman sumisinag ang liwanag ng Diyos nang mas malinaw kaysa noon, at patuloy pang sisinag nang mas maliwanag habang papalapit tayo sa pagtatapos ng kasaysayan ng mundo, ang mga makakikilala ng katotohanan sa kamalian ay silang kadalasang nakaluhod, na humihingi ng karunungan mula sa Diyos. Ang matingkad na sinag ng Araw ng katuwiran ang tanging makapaghahayag ng marami at sari-saring mga silo ng kaaway. Kumikilos ang kasamaan taglay ang lahat ng pandaraya ng kawalang katuwiran; at bagaman hindi natin dapat ituon ang ating mga mata sa kapangyarihan ng kadiliman, hindi maaaring maging ignorante tayo sa mga gawa nito.TKK 364.4

    Ngunit nakasentro dapat kay Jesu-Cristo ang ating pananampalataya. Tumitingin sa Kanya, kumakapit sa Kanyang lakas bilang sapat sa lahat ng kagipitan, naiuugnay ang ating puso sa Kanyang puso, naitatahi ang ating buhay sa Kanyang buhay sa pamamagitan ng mga natatagong kawing, at dahil Siya'y nabubuhay, mabubuhay rin naman tayo. Ito ay praktikal na relihiyon; sapagkat iingatan tayo ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas. Walang sinuman sa atin ang magiging ligtas malibang makisama tayo sa Panginoon sa walang hanggang tipan, na hindi natin malilimutan.— REVIEW AND HERALD, Mareh 14,1893 .TKK 364.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents