Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Likas ng Espiritu: Isang Hiwaga, Enero 3

    “Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan; sapagkat Siya'y hindi nito nakikita o nakikilala man. Siya'y nakikilala ninyo, sapagkat Siya'y nananatiling kasama ninyo at Siya ay mapapasainyo,” Juan 14:17.TKK 9.1

    Hindi mahalagang maipaliwanag natin kung ano ba talaga ang Espiritu. Sinasabi ni Cristo na ang Espiritu ay Mang-aaliw, “ang Espiritu ng katotohanan, na mula sa Ama” Malinaw na sinasabi tungkol sa Banal na Espiritu na sa Kanyang gawain ng pagpatnubay sa mga tao sa buong katotohanan, “hindi Siya magsasalita nang mula sa Kanyang sarili” (Juan 15:26; 16:13).TKK 9.2

    Ang likas ng Banal na Espiritu ay isang hiwaga. Hindi ito maipapaliwanag ng mga tao, dahil hindi ito ibinunyag ng Panginoon sa kanila. Maaaring pagsama-samahin ng mga taong may kakaibang pananaw ang mga talata mula sa Biblia at lagyan ito ng kung anong gawa-gawang pantao, ngunit ang pagtanggap sa mga pananaw na ito'y hindi magpapalakas sa iglesya. Tungkol sa mga hiwagang ito, na sobrang lalim para sa pang-unawa ng tao, ginintuan ang manahimik.TKK 9.3

    Tinitiyak ng mga salita ni Cristo ang gawain ng Banal na Espiritu: “At pagdating Niya, Kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan” (Juan 16:8). Ang Banal na Espiritu ang sumusumbat sa kasalanan. Kung tutugon ang makasalanan sa bumubuhay na impluwensiya ng Espiritu, maihahatid siya sa pagsisisi at magigising sa kahalagahan ng pagsunod sa mga ipinagagawa ng Diyos.TKK 9.4

    Sa nagsisising makasalanan, na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, inihahayag ng Banal na Espiritu ang Tupa ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. “Kanyang tatanggapin ang sa Akin, at sa inyo'y ipahahayag Niya,” sabi ni Cristo. “Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng Aking sinabi sa inyo” (Juan 16:14; 14:26).TKK 9.5

    Ibinigay ang Espiritu bilang isang kapangyarihang muling bumubuhay, upang gawing mabisa ang kaligtasang nakamit sa pamamagitan ng kamatayan ng ating Manunubos. Palaging nagsisikap ang Espiritu na kunin ang pansin ng mga tao sa dakilang sakripisyo na ginawa sa krus ng Kalbaryo, upang ilahad sa sanlibutan ang pag-ibig ng Diyos, at buksan sa kaluluwang nagsisisi ang mga kayamanan ng Kasulatan.—THE ACTS of THE APOSTLES, pp. 51, 52.ANG PAGDATING NG ESPIRITUTKK 9.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents