Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagtitiwala sa Kanyang Pagbibigay-liwanag, Abril 14

    “Bigyan Mo ako ng pang-unawa upang aking maingatan ang kautusan Mo, at akin itong susundin ng buong puso ko,” Awit 119:34,TKK 113.1

    Nagkalat sa buong kabukiran ng pahayag ang mga mabubuting bukal ng makalangit na katotohanan, kapayapaan, at kasiyahan. Ang mga bukal na ito ng kasiyahan ay maaabot ng bawat naghahanap. Magiging buhay na agos ang mga salita ng Pagkasi, na pinagbulayan sa puso, mula sa ilog ng tubig ng buhay. Nanalangin ang ating Tagapagligtas na mabuksan ang mga pag-iisip ng Kanyang mga tagasunod upang maunawaan ang Kasulatan. Tuwing pinag-aaralan natin ang Biblia na may pusong mapanalanginin, malapit ang Banal na Espiritu upang buksan sa atin ang mga kahulugan ng mga salitang binabasa natin. Iyong taong naliwanagan ang pag-iisip sa pamamagitan ng pagbukas ng Salita ng Diyos sa kanyang pag-unawa ay hindi lamang makakadama na higit pa niyang kailangan na masikap na magsaliksik upang maunawaan ang Salitang iyon, kundi kailangan niyang magkaroon ng mas mabuting pagkaunawa sa mga siyensya. Mararamdaman niya na tinatawag siya sa mataas na pagkatawag kay Cristo Jesus.TKK 113.2

    Habang higit na malapit na nakaugnay ang tao sa Pinagmumulan ng lahat ng kaalaman at karunungan, lalo pa niyang mararamdaman na kailangan niyang sumulong sa mga espiritwal at intelektuwal na pagkakamit. Laging nasusundan ang pagbubukas ng Salita ng Diyos ng kapansin-pansing pagbubukas at pagpapalakas ng mga kakayahan ng tao; sapagkat ang pagpasok ng Kanyang mga salita ay nagbibigay ng liwanag. Sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa mga dakilang katotohanan, itinataas ang pag-iisip, nadadalisay ang mga damdamin; sapagkat binubuhay ng Espiritu ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan ng Diyos, ang mga kakayahang walang buhay, at hinihikayat ang kaluluwa patungo sa langit.TKK 113.3

    Pagkatapos ay kunin ninyo ang inyong Biblia at ilahad ang inyong sarili sa harapan ng inyong makalangit na Ama, na nagsasabi, “Liwanagan Mo ako; turuan Mo ako kung ano ang katotohanan.” Pahahalagahan ng Panginoon ang inyong panalangin, at ididiin ng Banal na Espiritu ang katotohanan sa inyong kaluluwa. Napakahalaga na patuloy kayong magsaliksik ng Kasulatan, na iniimbak sa pag-iisip ang mga katotohanan ng Diyos. Maaaring mahiwalay kayo sa pakikisama ng mga Kristiyano, at madala kung saan hindi kayo magkaroon ng pagkakataong makisama sa mga anak ng Diyos. Kailangan ninyo ang mga kayamanan ng Salita ng Diyos na nakatago sa inyong puso, upang kapag dumating ang pagsalungat laban sa inyo, maaari ninyong madala ang lahat ng bagay sa pagsusuri ng Kasulatan.— THE BIBLE ECHO, Oetober 15,1892 .TKK 113.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents