Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naghuhukay Nang Mas Malalim sa Minahan, Abril 9

    Ngayon ang mga ito ay higit na mararangal kaysa mga taga-Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita ng buong pananabik na sinisiyasat araw-araw ang mga kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito. Gawa 17:11.TKK 108.1

    Matuwid at tamang basahin ang Biblia; ngunit hindi natatapos doon ang inyong tungkulin; dahil kailangang saliksikin ninyo ang mga pahina nito sa inyong sarili. Hindi makakamit ang kaalaman ng Diyos nang walang pagsisikap na mental, na walang panalangin para sa karunungan upang maihiwalay ninyo ang dalisay na butil ng katotohanan mula sa ipa na pinagmukha ng mga tao at ni Satanas na mga doktrina ng katotohanan. Pinagsikapan ni Satanas at ng kanyang kompederasyon ng mga tao na ihalo ang ipa ng kamalian sa trigo ng katotohanan. Kailangan tayong masikap na maghanap para sa nakatagong kayamanan, at nasain ang karunungan mula sa kalangitan upang maihiwalay ang mga imbensyon ng tao mula sa mga banal na utos. Tutulungan ng Banal na Espiritu ang naghahanap ng dakila at mahahalagang katotohanang tungkol sa panukala ng pagtubos.TKK 108.2

    Ididiin ko sa lahat ang katunayang hindi sapat ang mababaw na pagbabasa ng Kasulatan. Kailangan nating magsaliksik, at nangangahulugan ito ng pagtupad ng lahat ng isinasaad ng Salita. Kung paanong sabik na ginagalugad ng minero ang lupa upang makatuklas ng mga guhit ng ginto, gayundin naman, kailangan ninyong galugarin ang Salita ng Diyos para sa nakatagong kayamanan na matagal nang sinikap ni Satanas na itago mula sa tao. Sinasabi ng Panginoon, “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos, o kung Ako'y nagsasalita mula sa Aking sarili” (Juan 7:17).TKK 108.3

    Katotohanan at liwanag ang Salita ng Diyos, at dapat na maging ilawan sa inyong mga paa, upang gabayan ang bawat hakbang sa daan tungo sa mga pintuan ng lunsod ng Diyos. Kaya't gayon na lamang ang pagsisikap ni Satanas na hadlangan ang landas na ibinigay upang lakaran ng tinubos ng Panginoon. Hindi ninyo dapat dalhin ang inyong mga kaisipan sa Biblia, at gawing sentro ang inyong mga opinyon kung saan dapat umikot ang katotohanan. Dapat na isantabi ninyo ang inyong mga ideya sa pintuan ng pagsusuri, at nang may mapagpakumbaba at nagpapasakop na mga puso, na itinatago ang sarili kay Cristo, nang may masikap na pananalangin, hanapin ninyo ang karunungang mula sa Diyos. Dapat ninyong maramdamang kailangan ninyong matutuhan ang inihayag na kalooban ng Diyos, dahil may kinalaman ito sa inyong pansarili at walang hanggang kabutihan. Ang Biblia ay isang sanggunian kung saan malalaman ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Dapat ninyong nasain higit sa lahat na malaman ang kalooban at kaparaanan ng Panginoon.— FUNDAMENTALS of CHRISTIAN EDUCATION, pp. 307, 308.TKK 108.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents