Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtanggap sa Impluwensiya ng Espiritu, Oktubre 20

    Mga minamahal, yamang taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu, na ginagawang sakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos, 1 Corinto 7:1.TKK 308.1

    Nagpapadala ang Panginoon sa atin ng babala, payo, at pagsaway, upang magkaroon tayo ng pagkakataong itama ang ating mga pagkakamali bago pa ito maging pangalawang kalikasan. Ngunit kung tatanggi tayong maituwid, hindi manghihimasok ang Diyos upang salungatin ang mga kahiligan ng ating sariling paraan ng pagkilos. Hindi Siya gumagawa ng himala upang ang binhing itinanim ay hindi sumibol at mamunga. Ang taong naghahayag ng walang pananampalatayang katapangan o pagwawalang-bahala sa banal na katotohanan ay umaani ng ani na siya mismo ang naghasik. Ganoon ang naging karanansan ng marami. Nakikinig sila nang may pagwawalang-bahala sa mga katotohanang minsan nang pumukaw sa kanilang mga kaluluwa. Naghasik sila ng kapabayaan, pagwawalang-bahala, at pagtutol sa katotohanan; at gayon din ang ani na kanilang aanihin.TKK 308.2

    Ang lamig ng yelo, ang katigasan ng bakal, ang hindi natatagusan at matigas na likas ng bato—makahahanap ang lahat ng ito ng katapat sa karakter ng maraming nag-aangking Kristiyano. Sa gayon pinatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon. Nagsalita ang Diyos sa hari ng Ehipto sa pamamagitan ng bibig ni Moises, nagbibigay sa kanya ng pinakakapansin-pansing mga katibayan ng banal na kapangyarihan; ngunit ang monarko ay matigas ang ulo na tinanggihan ang liwanag na magdadala sana sa kanya sa pagsisisi. Hindi nagpadala ang Diyos ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan upang papagmatigasin ang puso ng mapanghimagsik na hari, ngunit sa paglaban ni Faraon sa katotohanan, inalis ang Banal na Espiritu, at naiwan siya sa kadiliman at kawalan ng pananampalatayang kanyang pinili.TKK 308.3

    Sa patuloy na pagtanggi sa impluwensiya ng Espiritu, hinihiwalay ng mga tao ang kanilang sarili sa Diyos. Wala na siyang nakalaan pang makapangyarihang ahensya para maliwanagan ang kanilang mga isipan. Walang pagpapahayag ng Kanyang kalooban ang makaaabot sa kanila sa kanilang kawalan ng pananampalataya.TKK 308.4

    Kung maaakay ko sana ang mga nag-aangking tagasunod ni Cristo na makita ang bagay na ito sa kung ano talaga ito. Naghahasik tayong lahat sa laman o sa Espiritu, at inaani natin ang ani mula sa binhing inihasik natin. Sa pagpili ng ating mga kasiyahan o gawain, dapat nating hangarin lamang ang mga bagay na napakahusay. Ang walang kabuluhan, ang makamundo, ang pagmamaliit, ay dapat hindi magkaroon ng kapangyarihan upang kontrolin ang mga nararamdaman o ang kagustuhan.— REVIEW AND HERALD, June 20,1882 .TKK 308.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents