Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Naibalik ang Banal na Wangis, Pebrero 8

    At magbago sa espiritu ng inyong pag-iisip, at kayo'y magbihis ng bagong pagkatao, na nilalang ayon sa wangis ng Diyos, sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan. Efeso 4:23,24.TKK 46.1

    Sa panukala ng pagpapanumbalik ng banal na wangis sa mga tao, itinakda na ang Banal na Espiritu ay kikilos sa isipan ng mga tao, at maging pinakang-presensiya ni Cristo, isang humuhulmang kapangyarihan sa karakter ng tao. Sa pagtanggap sa katotohanan, natatanggap din ng mga tao ang biyaya ni Cristo, at itinatalaga ang mga pinabanal nilang kakayahan sa gawaing kinasasangkutan ni Cristo—ang mga tao'y nagiging mga kamanggagawa ng Diyos. Ipinapaunawa sa mga tao ang banal na katotohanan para gawin silang mga instrument ng Diyos. Pero gusto kong tanungin ang iglesya, Natugunan ba ninyo ang layuning ito? Natupad na ba ninyo ang layunin ng Diyos sa pagsasabog ng liwanag ng banal na katotohanan, sa pagpapakalat sa mahahalagang hiyas ng katotohanan?TKK 46.2

    Ano kaya ang iniisip ng mga anghel ng Diyos habang nakatingin sila sa iglesya ni Cristo, at nakikita kung gaano kabagal ang pagkilos nung mga nagsasabing tagasunod ni Cristo, na ibahagi ang liwanag ng katotohanan sa daigdig na nasa kadilimang moral? Alam ng mga makalangit na nilalang na ang krus ang dakilang sentro ng panghatak. Alam nila na sa pamamagitan ng krus matatanggap ng taong nagkasala ang katubusan at magiging kaisa ang Diyos. Nakatunghay ang mga kapulungan ng kalangitan sa iyo na nagsasabing tinanggap si Cristo bilang personal mong Tagapagligtas, para makita kang ipinapaalam ang pagliligtas ng Diyos sa mga nakaupo sa kadiliman. Naghihintay silang makita na ipinapaalam mo ang kahalagahan ng pagbibigay ng Banal na Espiritu; kung paanong sa paggawa ng banal na kapangyarihang ito ang pag- iisip ng mga tao, na pinasama at pinarumi ng kasalanan, ay madidismaya sa mga kasinungalinga't pagtatanghal ni Satanas, at babaling kay Cristo bilang tangi nilang pag-asa, ang personal nilang Tagapagligtas.TKK 46.3

    Sabi ni Cristo: “Kayo'y pinili Ko, at itinalaga Ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili” (Juan 15:16). Bilang sugo ni Cristo, gusto kong himukin ang lahat ng nakakabasa sa mga linyang ito na mag-ingat habang tinatawag pang ngayon. “Kung marinig ninyo ang Kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso” (Hebreo 4:7). Hindi nag-aantay pa ng kahit isang saglit, magtanong kayo, “Ano ba ako kay Cristo? Ano ba si Cristo sa akin? Ano ang gawain ko? Ano ang katangian ng aking bunga?”— REVIEW AND HERALD, February 12,1895 .TKK 46.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents