Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pag-aalis ng Laman ng Sisidlan, Oktubre 10

    Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang salinlahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad ng mga ilaw sa sanlibutan. Filipos 2:15.TKK 298.1

    Ang pagbabago ng karakter ang magiging patotoo sa mundo ng nananahan na pag-ibig ni Cristo. Inaasahan ng Panginoon na ipapakita ng Kanyang bayan ang nagliligtas na kapangyarihan ng biyaya na maaaring kumilos sa karakter na may kapintasan at magdulot ng paglinang nito sa kaayusan at masaganang pagmumunga.TKK 298.2

    Ngunit upang maisakatuparan natin ang layunin ng Diyos, mayroong gawaing paghahanda na dapat gawin. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na alisin sa ating mga puso ang pagkamakasarili na siyang ugat ng pagkahiwalay. Nais Niyang ibuhos ang Kanyang Banal na Espiritu sa masaganang sukat, at inaanyayahan Niya tayong alisin ang sagabal sa daan sa pamamagitan ng pagtatakwil sa sarili. Sa panahon na ang sarili ay isinuko sa Diyos, mabubuksan ang ating mga mata upang makita ang mga katisuran na inilagay ng ating pagiging hindi katulad kay Cristo sa daan ng iba. Inaatasan tayo ng Diyos na alisin ang lahat nang ito. Sabi niya: “Ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling” (Santiago 5:16). Kung magkagayon ay maaaring magkaroon tayo ng katiyakan na mayroon si David nang, pagkatapos ipahayag ang kanyang kasalanan, nanalangin siya: “Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at alalayan ako na may espiritung nagnanais. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga sumusuway ang mga lakad mo; at ang mga makasalanan ay manunumbalik sa iyo” (Mga Awit 51:12, 13).TKK 298.3

    Kapag ang biyaya ng Diyos ang naghahari sa loob, mapapalibutan ang kaluluwa ng isang kapaligiran ng pananampalataya at katapangan at pag-ibig na tulad kay Cristo, isang kapaligirang nagpapasigla sa espiritwal na pamumuhay ng lahat ng lalanghap nito. . . . Ang lahat ng nakibahagi sa mapagpatawad na pag-ibig ni Cristo, ang lahat ng naliwanagan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos at nagbalik-loob sa katotohanan, ay madarama na para sa mahalagang mga pagpapalang ito, may utang na loob siya sa bawat kaluluwang kanyang makakasalamuha. Yaong mga mapagpakumbaba sa puso ay gagamitin ng Panginoon upang abutin ang mga kaluluwang hindi kayang lapitan ng mga itinalagang ministro. Sila ay kikilusing magwika ng mga salitang naghahayag ng nagliligtas na biyaya ni Cristo.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 6, p. 43 .TKK 298.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents