Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Paglilinang ng Espiritwal na Pagkilala, Abril 5

    Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng Espiritu, 1 Corinto 2:14,TKK 104.1

    Nagkalat ang mga hiyas ng katotohanan sa bukirin ng pahayag; ngunit nakalibing ang mga ito sa ilalim ng mga tradisyon, natatabunan ng mga kasabihan at kautusan ng mga tao, at mistulang napabayaan ang karunungan mula sa kalangitan; sapagkat nagtagumpay si Satanas sa pagpapaniwala sa sanlibutan na napakahalaga ng mga salita at tagumpay ng mga tao. Ibinigay ng Panginoong Diyos, ang Maylalang ng mga mundo, ang ebanghelyo sa sanlibutan kapalit ng di-masukat na halaga. Sa pamamagitan ng banal na kapangyarihang ito, nabuksan ang masasaya at nakagiginhawang mga bukal ng makalangit na kaaliwan at walang maliw na kasiyahan sa lahat ng lalapit sa bukal ng buhay. May mga ugat ng katotohanang matutuklasan pa lang; ngunit ang mga bagay na espiritwal ay espiritwal na nababatid.TKK 104.2

    Hindi mauunawaan ng mga pag-iisip na narimlan ng kasamaan ang kahalagahan ng katotohanan kay Jesus. Kapag itinatangi ang kasalanan, hindi nararamdaman ng mga tao ang pangangailangan ng pagsusumikap sa panalangin at pagbubulayy, upang maunawaan na kailangan nilang makilala ang kalangitan o mawawala ito sa kanila. Matagal na silang nasa ilalim ng lambong ng kaaway na anupa't nakikita nila ang katotohanan gaya ng mga taong tumitingin sa salaming malabo at hindi perpekto; dahil madilim at liko ang lahat ng bagay sa kanilang mga mata. Mahina ang espiritwal na pagtingin at hindi mapagkakatiwalaan; sapagkat tumitingin sila sa anino, at bumabaling mula sa liwanag.TKK 104.3

    Ngunit silang nag-aangking naniniwala kay Jesus ay kailangang sumulong tungo sa liwanag. Dapat na araw-araw silang manalangin para sumilay ang liwanag ng Banal na Espiritu sa mga pahina ng banal na aklat, upang maunawaan nila ang mga bagay ng Espiritu ng Diyos. Dapat tayong magkaroon ng hayagang pagtitiwala sa Salita ng Diyos, kung hindi'y mawawaglit tayo. Hindi tayo magagawang sakdal ng mga salita ng mga tao, gaano man sila kadakila, upang tayo'y maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.TKK 104.4

    “Ngunit kami ay dapat laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sapagkat hinirang kayo ng Diyos bilang unang bunga sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan” (2 Tesalonica 2:13). Sa talatang ito, nahayag ang dalawang kapangyarihan sa kaligtasan ng tao—ang banal na impluwensiya, at ang malakas at nabubuhay na pananampalataya ng mga sumusunod kay Cristo. Tayo'y nagiging kamanggagawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at sa paniniwala sa katotohanan.— REVIEW AND HERALD, December 1,1891 .TKK 104.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents