Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Durungawang Bukas na Bukas, Oktubre 11

    Upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos. Colosas 1:10.TKK 299.1

    May iilang nagsasalita nang may panghihinayang tungkol sa mga pagbabawal na ipinapataw ng relihiyon ng Biblia sa mga susunod sa mga aral nito. Tila iniisip nila na isang malaking kawalan ang pagbabawal, ngunit mayroon tayong dahilan upang pasalamatan ang Diyos ng ating buong puso na nagtayo Siya ng makalangit na hadlang sa pagitan natin at ng lupang sakop ng kaaway. Mayroong ilang mga hilig ng likas na puso na iniisip ng marami na dapat sundin upang ang pinakamahusay na pag-unlad ng indibidwal ang maaaring maging bunga, ngunit kung anong iniisip ng tao na mahalaga, nakikita ng Diyos na hindi magiging pagpapala sa sangkatauhan na iniisip ng mga tao, sapagkat ang pag-unlad ng mga katangiang ito ng pagkatao ay hindi mag-aangkop sa kanila para sa mga mansyon sa itaas.TKK 299.2

    Inilalagay ng Panginoon ang mga tao sa ilalim ng pagsubok at paghihirap upang mahiwalay ang dumi sa ginto ngunit wala Siyang pinipilit. Hindi siya nagtatali gamit ang mga kadena at mga lubid at mga harang, sapagkat ang mga ito'y nagdaragdag ng kawalang-kasiyahan sa halip na bawasan ito. Ang lunas sa kasamaan ay matatagpuan kay Cristo bilang isang nananahan na Tagapagligtas. Ngunit upang mapasakaluluwa si Cristo, dapat munang mawala ang sarili, sa gayon magkakaroon ng isang ispasyong maaaring palitan ng Banal na Espiritu.TKK 299.3

    Dinadalisay ng Panginoon ang puso gaya ng pagpapapasok natin ng hangin sa isang silid. Hindi natin isinasara ang mga pinto at mga bintana at nagdadagdag ng ilang mga sangkap na nagpapadalisay; datapuwat binubuksan natin ang mga pinto at ang mga bintana nang malawak, at hinahayaang pumasok ang dumadalisay na kapaligiran ng langit. Sabi ng Panginoon, “Ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw” (Juan 3:21). Ang mga bintana ng tukso, ng damdamin, ay dapat na buksan tungo sa langit, at ang alabok ng pagkamakasarili at kamunduhan ay dapat na alisin. Dapat na dumaan sa mga silid ng isipan ang biyaya ng Diyos, at ang imahinasyon ay dapat magkaroon ng mga makalangit na tema para sa pagbubulay-bulay, at ang bawat element ng kalikasan ay dapat dalisayin at pasiglahin ng Espiritu ng Diyos.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 2, p. 338 .TKK 299.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents