Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kinatawan ni Cristo , Enero 5

    “Gayunma'y sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan. Makakabuti sa inyo na Ako'y umalis, sapagkat kung hindi Ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo, Ngunit kung Ako'y umalis, Siya'y susuguin Ko sa inyo,” Juan 16:7,TKK 11.1

    Tinatawag ang Mang-aaliw na “Espiritu ng katotohanan” Ang gawain Niya'y linawin at panatilihin ang katotohanan. Tumitira muna Siya sa puso bilang Espiritu ng katotohanan, at sa gayon Siya'y nagiging Mang-aaliw. May kaaliwan at kapayapaan sa katotohanan, pero walang tunay na kapayapaan o kaaliwan na makikita sa kasinungalingan. Sa pamamagitan ng mga sinungaling na teorya at tradisyon, nagkakamit si Satanas ng kapangyarihan sa isipan. Sa pagdadala sa mga tao sa mga maling pamantayan, pinapapangit niya ang karakter. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa isipan sa pamamagitan ng Kasulatan, at idinidiin ang katotohanan sa puso. Sa ganito'y inilalantad Niya ang kamalian, at inaalis ito sa kaluluwa. Sa pamamagitan ng Espiritu ng katotohanan, na gumagawa sa Salita ng Diyos, pinasusuko ni Cristo ang pinili Niyang bayan sa Kanyang sarili.TKK 11.2

    Sa paglalarawan sa Kanyang mga alagad tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, sinikap ni Jesus na pasiglahin sila ng kasiyahan at pag-asang nagpasigla sa sarili Niyang puso. Nagalak Siya dahil sa masaganang tulong na nailaan Niya para sa Kanyang iglesya. Pinakamataas sa lahat ng mga regalo ang Banal na Espiritu na mahihingi Niya mula sa Kanyang Ama para sa pag-aangat sa Kanyang bayan. Dapat ibigay ang Espiritu bilang ahensyang nagpapanibago, at kung wala ito, walang kabuluhan ang sakripisyo ni Cristo. Ang kapangyarihan ng kasamaan ay lumalakas sa loob ng mga dantaon, at kataka-taka ang pagpapasakop ng mga tao sa pang-aaliping ito ni Satanas. Malalabanan at mapapanagumpayan lamang ang kasalanan sa pamamagitan ng makapangyarihang paggawa ng ikatlong persona ng Kadiyosan, na darating hindi sa pinahinang kalakasan, kundi sa kapuspusan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ang gumagawa upang maging mabisa kung anong ginawa ng Manunubos ng sanlibutan. Sa pamamagitan ng Espiritu ginagawang dalisay ang puso. Sa pamamagitan ng Espiritu nagiging kabahagi ng banal na likas ang mananampalataya. Ibinigay na ni Cristo ang Kanyang Espiritu bilang banal na kapangyarihan upang mapanagumpayan ang lahat ng minana at hinubog na hilig sa kasamaan, at upang ikintal ang sarili Niyang karakter sa Kanyang iglesya.— REVIEW AND HERALD, November 19,1908.TKK 11.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents