Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hindi Ibinibigay ang Liwanag Nang Hiwalay sa Salita, Abril 20

    “Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa't ililigaw, kung maaari, pati ang mga hinirang” Mateo 24:24,TKK 119.1

    Sa mga araw na ito ng pandaraya, kailangang manindigan para sa pananampalatayang ibinigay dati sa mga banal ang lahat ng natatag sa katotohanan. Lalabas ang bawat uri ng pagkakamali sa mahiwagang paggawa ni Satanas, upang kung maaari'y, madaya maging ang mga banal, at pabalingin sila mula sa katotohanan. Kailangang kaharapin ang karunungan ng tao—karunungan ng mga taong may pinag-aralan, na, katulad ng mga Fariseo, ay mga tagapagturo ng kautusan ng Diyos, ngunit sila mismo'y hindi sumusunod sa kautusan. May kakaharapin na kamangmangan at kahangalan ng tao sa mga teoryang wala sa kaayusan na nakalatag sa mga bago at kakatwang anyo—mga teoryang lalong mahirap na harapin dahil walang katuwiran sa kanila.TKK 119.2

    Magkakaroon ng mga bulaang mga panaginip at bulaang pangitain, na may kaunting katotohanan, ngunit nagdadala palayo sa orihinal na pananampalataya. Nagbigay ang Panginoon ng alituntunin upang matuklasan sila: “Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga” (Isaias 8:20). Kung minamaliit nila ang kautusan ng Diyos, kung hindi nila sinusunod ang Kanyang kalooban sang-ayon sa pagkakahayag sa mga patotoo ng Kanyang Espiritu, sila'y mga mandaraya. Kinukontrol sila ng mga bugso at impresyon na pinapaniwalaan nilang nagmumula sa Banal na Espiritu, at tinuturing na mas mapagkakatiwalaan kaysa sa Kinasihang Salita. Inaangkin nila na bawat pag-iisip at damdamin ay impresyon ng Espiritu; at kapag binibigyang katuwiran ang mga ito na hindi gamit ang Kasulatan, sinasabi nilang mayroon silang taglay na higit na mapagkakatiwalaan. Ngunit samantalang iniisip nila na sila'y pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos, sa katotohana'y sumusunod sila sa imahinasyon na ibinigay ni Satanas.— Selected MESSAGES, vol. 2, pp. 98, 99 .TKK 119.3

    Gagawa si Satanas sa pinakatusong pamamaraan upang magpakilala ng mga imbensyon ng tao na dinamtan ng mga kasuotan ng anghel. Ngunit nagniningning ang liwanag mula sa Salita sa gitna ng kadilimang moral; at hindi matatabunan ang Biblia ng mga mahimalang pagpapakita. Kailangang pag-aralan ang katotohanan, kailangan itong saliksikin na tulad ng nakatagong kayamanan. Hindi ibibigay ang mga kamangha-manghang kaliwanagan na hiwalay sa Salita, o upang palitan ito. Panghawakan ninyo ang Salita, tanggapin ang isinugpong na Salita, na gagawin kayong matalino tungo sa kaligtasan.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, p. 100 .TKK 119.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents