Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nangungusap ang Espiritu sa Atin, Enero 23

    “Subalit kapag dumating na ang Mang-aaliw, na Aking susuguin sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan, na mula sa Ama, Siya ang magpapatotoo tungkol sa Akin,” Juan 15:26.TKK 29.1

    Nagpakababa ang Panginoon upang mabigyan kayo ng pagbubuhos ng Kanyang Banal na Espiritu. Sa mga Camp Meeting, at sa iba't iba nating institusyon, malaking pagpapala ang pinaulan sa inyo. Dinalaw kayo ng mga makalangit na mensahero ng liwanag at katotohanan at kapangyarihan, at hindi dapat isipin na kakaibang bagay ang pagpalain kayo nang ganyan ng Diyos. Paano pinasusuko ni Cristo ang Kanyang bayan sa Kanyang sarili? Ito'y sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu; sapagkat ang Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng Kasulatan, ay nangungusap sa isipan, at itinatanim ang katotohanan sa puso ng mga tao.TKK 29.2

    Bago Siya ipinako sa krus, ipinangako ni Cristo na ang Mang-aaliw ay isusugo sa Kanyang mga alagad. Sabi Niya: “Gayunma'y sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan. Makakabuti sa inyo na Ako'y umalis, sapagkat kung hindi Ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo. Ngunit kung Ako'y umalis, Siya'y susuguin Ko sa inyo. At pagdating Niya, Kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan” (Juan 16:7, 8). “Subalit kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan, papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat hindi Siya magsasalita nang mula sa Kanyang sarili, kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, iyon ang Kanyang sasabihin at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na darating. Luluwalhatiin Niya Ako, sapagkat Kanyang tatanggapin ang sa Akin, at sa inyo'y ipahahayag Niya” (talatang 13, 14).TKK 29.3

    Ang pangakong ito ni Cristo ay lubhang minaliit, at dahil sa kasalatan sa Espiritu ng Diyos, ang pagiging espiritwal ng kautusan at ang mga walang- hanggang pananagutan dito ay hindi naunawaan. Hindi naunawaan nung mga nagsasabing nagmamahal kay Cristo ang relasyon sa pagitan nila at ng Diyos, at malabo pa rin ang pagkabalangkas nito sa kanilang pang-unawa. May- kalabuan lamang ang pagkaintindi nila sa nakamamanghang biyaya ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang bugtong na Anak para sa kaligtasan ng sanlibutan. Hindi nila nauunawaan kung gaano kalawak ang saklaw ng banal na kautusan, kung gaano kalapit dapat na dalhin ang kautusan sa praktikal na pamumuhay. Hindi nila nakikita kung gaano kalaking pribilehiyo at pangangailangan ang pananalangin, pagsisisi, at pagsasagawa sa mga sinabi ni Cristo.TKK 29.4

    Gawain ng Banal na Espiritu na ilahad sa isipan ang katangian ng pagtatalagang tatanggapin ng Diyos. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, naliliwanagan ang kaluluwa, at nababago, napapabanal, at naitataas ang karakter.— REVIEW AND HERALD, January 30,1894.TKK 29.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents