Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nililiwanagan Tayo ng Espiritu, Enero 24

    Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang ilaw ay kasama ninyo nang kaunti pang panahon, Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim, Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.” Juan 12:35,TKK 30.1

    Ang sabi ni Jesus, “Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim.” Tipunin ninyo ang bawat sinag, huwag ninyong lagpasan ang kahit isa. Lumakad kayo sa liwanag. Isakabuhayan ninyo ang bawat panuntunan ng katotohanan na ipinakikita sa inyo. Mabuhay kayo sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos, at sa gayo'y masusundan na ninyo si Jesus saan man Siya pumunta. Kapag nagbibigay ang Panginoon ng sunud-sunod na katibayan at patung-patong na liwanag, bakit kaya nagaatubiling lumakad sa liwanag ang mga kaluluwa? Bakit nagpapabayang lumakad ang mga tao sa liwanag tungo sa higit pang liwanag?TKK 30.2

    Hindi tumatanggi ang Panginoon na ibigay ang Kanyang Banal na Espiritu sa mga humihingi nito sa Kanya. Kapag dumating sa konsensya ang kumbiksyon, bakit hindi ka makinig, at sundin ang tinig ng Espiritu ng Diyos? Sa bawat pag- aalangan at pagpapaliban, inilalagay natin ang ating sarili sa kalagayang mas pahirap nang pahirap para sa atin na tanggapin ang liwanag ng kalangitan, at sa wakas ay parang imposible nang makilos ng mga paghimok at babala. Lalong nagiging mas madaling nasasabi ng makasalanan, “Umalis ka muna ngayon at kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay ipatatawag kita” (Gawa 24:25).TKK 30.3

    Alam ko ang panganib ng mga tumatangging lumakad sa liwanag ayon sa ibinibigay ng Diyos. Nagdudulot sila sa kanilang sarili ng matinding krisis na bayaang sundin ang sarili nilang mga daan, na gawin ang ayon sa sarili nilang pagpapasya. Lalong hindi na tinatablan ang konsensya. Parang lalo nang malayo ang tinig ng Diyos, at ang nagkasala ay hinahayaan na sa sarili niyang pagkahumaling. Sa katigasan ay tinatanggihan niya ang bawat panawagan, hinahamak ang lahat ng tagubilin at payo, at tumatalikod sa bawat paglalaang ginagawa para sa kanyang kaligtasan, at walang impresyon sa kanyang isipan ang tinig ng mensahero ng Diyos. Hindi na gumagamit sa kanya ng pamigil na kapangyarihan ang Espiritu ng Diyos, at inilalapat na ang sentensyang, “Ang Ephraim ay nakisama na sa mga diyus-diyosan; hayaan ninyo siya” (Hoseas 4:17). O anong dilim, anong lungkot, anong tigas ng kanyang pagsasarili! Para bang nasa puso na niya ang kamanhiran ng kamatayan. Ito ang prosesong dinadaanan ng kaluluwang tumatanggi sa paggawa ng Banal na Espiritu.— REVIEW AND HERALD, June 29,1897.TKK 30.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents