Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Makakayang Kilalanin ang mga Bulaang Teorya, Abril 26

    Mga minamahal, samantalang ako'y lubusang nagsisikap na sumulat sa inyo tungkol sa ating iisang kaligtasan, natagpuan kong kailangang sumulat upang himukin kayo na ipaglaban ang pananampalataya na minsanang ibinigay sa mga banal. Judas 1:3.TKK 125.1

    Hatid ni Judas ang mensaheng ito upang bantayan ang mga mananampalataya laban sa nakapang-aakit na impluwensiya ng mga bulaang tagapagturo, ng mga taong tila makadiyos ngunit hindi naman ligtas maging pinuno. Sa mga huling araw na ito, babangon ang mga bulaang tagapagturo at magiging masigasig. Ilalahad ang lahat ng uri ng teorya upang ilihis ang mga pagiisip ng mga lalaki at babae mula sa katotohanang maaari nating panindigan nang ligtas sa panahong ito kung kailan makapangyarihang kumikilos si Satanas sa mga relihiyoso, na pinangungunahan silang magkunwaring makatuwiran, ngunit bigong magpasakop sa gabay ng Banal na Espiritu.TKK 125.2

    Ihahalo ang mga bulaang teorya sa bawat antas ng karanasan, at imumungkahi nang may mala-Satanas na pagsisikap upang bihagin ang pag-iisip ng bawat kaluluwang hindi nakaugat at nakatayo sa ganap na kaalaman ng mga banal na prinsipyo ng Salita. Sa gitna natin, babangon ang mga bulaang tagapagturo, na nakikinig sa mga mandarayang espiritung may mga doktrinang galing kay Satanas. Aakit ang mga tagapagturong ito ng mga alagad na susunod sa kanila. Pumapasok nang hindi namamalayan, gagamit sila ng mabubulaklak na mga salita at gagawa ng mahuhusay na mga maling paglalahad gamit ang mapanghalinang pananalita.TKK 125.3

    Ang tanging pag-asa ng ating mga iglesya ay manatiling gising. Ligtas silang matibay na nakatayo sa katotohanan ng Salita, silang sumusubok sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng “Sinabi ng Panginoon.” Gagabayan ng Banal na Espiritu ang mga nagpapahalaga sa karunungan ng Diyos higit sa mapandayang argumento ng mga kampon ni Satanas. Tulutang magkaroon ng maraming panalangin, hindi sa kaparaanan ng tao kundi sa ilalim ng pagkasi ng pag-ibig sa katotohanan kay Jesu-Cristo. Dapat na magsalita ng karunungan at katalinuhan ang mga pamilyang nananampalataya sa katotohanan—mga salitang darating sa kanila bilang bunga ng pagsasaliksik ng Kasulatan.TKK 125.4

    Ngayon ang panahon ng ating pagsusuri at pagsubok. Ngayon ang panahon kung kailan dapat isara ng mga kaanib ng bawat nananampalatayang pamilya ang kanilang mga labi laban sa pagsasalita ng pagbibintang tungkol sa kanilang mga kapatid. Tulutan silang magsalita upang magbigay ng tapang, at palakasin ang pananampalatayang kumikilos sa pamamagitan ng pag-ibig at dumadalisay ng kaluluwa.— THE KRESS COLLECTION, p. 5 .TKK 125.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents