Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Maikintal sa mga Manunulat sa Magkakaibang Aspeto, Agosto 3

    Sapagkat walang propesiya na dumating kailanman sa pamamagitan ng kalooban ng tao kundi ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos. 2 Pedro 1:21.TKK 228.1

    Gaya ng ipinakita sa pamamagitan ng iba't ibang mga tao sa Biblia, inihayag ang katotohanan sa magkakaibang aspeto nito. Ang isang manunulat ay higit na naikintal ang isang antas ng paksa, nauunawaan niya ang mga puntong iyon na tumutugma sa karanasan o sa kanyang kapangyarihang umunawa at paghanga; ang iba ay kumukuha sa ibang antas; at ang bawat isa, sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu, ay nagpapahayag ng pinakanaidiin sa kanyang sariling isipan—ang ibang aspeto ng katotohanan sa bawat isa nito, ngunit ang sakdal na pagkakaisa sa lahat. At ang mga katotohanang naihayag ng ganoon ay nagkakaisang bumubuo ng sakdal na kabuuan, naibabagay sa pangangailangan ng tao para sa lahat ng sitwasyon at karanasan sa buhay.TKK 228.2

    Nasisiyahan ang Diyos na ipahayag ang katotohanan sa sanlibutan sa pamamagitan ng tao bilang mga ahensya, at Siya sa Kanyang sarili, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, iniaangkop ang tao at pinalalakas sila para magawa ang gawaing ito. Ginagabayan Niya ang mga isipan sa pagpili ng mga sasalitain at kung ano ang isusulat. Ipinagkatiwala ang kayamanan sa makalupang mga lalagyan, gayunman ito ay mula sa langit. Naihatid ang patotoo sa pamamagitan ng hindi perpektong pahayag ng wika ng tao, gayunman ito ay patotoo ng Diyos; at ang mga masunurin at naniniwalang mga anak ng Diyos ay nakikita rito ang kaluwalhatian ng banal na kapangyarihan, puno ng biyaya at katotohanan.TKK 228.3

    Sa Kanyang salita, ibinigay ng Diyos sa tao ang kaalaman na kailangan sa ikaliligtas. Dapat tanggapin ang mga Kasulatan bilang makapangyarihan at hindi nagkakamaling kapahayagan ng Kanyang kalooban. Ito ang pamantayan ng karakter, ang tagapagpahayag ng mga doktrina, at subukan ng mga karanasan. “Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” (2 Timoteo 3:16, 17).— THE GREAT CONTROVERSY, pp. vi, vii .TKK 228.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents