Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Higit Pang Pagtatalaga, Oktubre 27

    Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag, sapagkat ang Araw ang magbubunyag nito, Sapagkat ito ay mahahayag sa pamamagitan ng apoy at ang apoy ang susubok kung anong uri ng gawain ang ginawa ng bawat isa, 1 Corinto 3:13.TKK 315.1

    Malapit na ang wakas ng lahat ng mga bagay. Kumikilos ang Diyos sa bawat isipang bukas na tanggapin ang mga pagdidiin ng Kanyang Banal na Espiritu. Nagapapadala Siya ng mga mensahero upang makapagbigay sila ng babala sa bawat pook. Sinusubok ng Diyos ang katapatan ng Kanyang mga iglesya at kanilang kagustuhang tumalima sa patnubay ng Espiritu. Lalago ang kaalaman. Makikitang tumatakbo paroo't parito ang mga mensahero ng langit, naghahanap ng bawat posibleng paraan upang bigyan ng babala ang mga tao sa darating na mga paghatol, at inihahayag ang magandang balita ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Itataas ang pamantayan ng katuwiran.TKK 315.2

    Kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa mga puso ng tao, at magiging mga liwanag sa mundo ang tutugon sa Kanyang impluwensiya. Makikita silang humahayo kahit saan upang ipabatid sa iba ang liwanag na kanilang natanggap tulad ng ginawa nila pagkatapos ng pagbaba ng Banal na Espiritu sa araw ng Penteeostes. At habang hinahayaan nilang lumiwanag ang kanilang ilaw, natatanggap nila ang higit na karagdagan pa ng kapangyarihan ng Espiritu. Naliwanagan ang lupa ng kaluwalhatian ng Diyos.TKK 315.3

    Subalit, O, napakalungkot na larawan! Ang mga hindi nagpasakop sa impluwensiya ng Banal na Espiritu ay madaling naiwala ang mga pagpapalang tinanggap noong kanilang kinilala ang katotohanan bilang galing sa langit. Nahulog sila sa isang malamig, at walang siglang pormalidad; nawala ang kanilang interes sa mga napapahamak na mga kaluluwa; kanilang “iniwan ang kanilang unang pag-ibig.” At sinasabi sa kanila ni Cristo, “Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, magsisi ka at gawin mo ang mga bagay na ginawa mo noong una. Kung hindi, darating ako sa iyo at aalisin ko ang iyong ilawan mula sa kinalalagyan nito, malibang magsisi ka” (Apocalipsis 2:5). Kukunin Niya ang Kanyang Banal na Espiritu mula sa iglesya, at ibibigay ang Espiritu sa iba na magpapahalaga sa Kanya.TKK 315.4

    Wala nang mas higit pa na katibayan na yaong mga nakatanggap ng dakilang liwanag ay hindi pinahahalagahan ang liwanag na iyon, kundi sa ibinibigay nila ayon sa kanilang pagtanggi na paliwanagin ang kanilang ilaw sa mga nasa kadiliman, at sa paglalaan ng kanilang oras at lakas sa pagdiriwang ng mga anyo at mga seremonya.— REVIEW AND HERALD, July 16,1895 .TKK 315.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents