Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang mga Saksi: Kinasihan Upang Magbigay-patotoo, Agosto 8

    Yaong aming nakita at narinig upang kayo rin naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin; at tunay na ang ating pakikisama ay sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, 1 Juan 1:3,TKK 233.1

    Nag-umpisa ang gawain sa kahinaan at nagpatuloy na lumaki at lumakas ang kalabuan. Nagpapatunay sa paglago nito ang mga palimbagan at mga misyon sa maraming mga lupain. Sa lugar ng paglilimbag ng una nating artikulo ay nasa isang bag na dinala sa tanggapan ng koreo, daan ng mga libong kopya ng ating iba't ibang mga peryodiko ngayon ay ipinadadala kada buwan mula sa mga opisina ng paglalathala. Ang kamay ng Diyos ay nasa Kanyang gawain para paunlarin at itatag ito.TKK 233.2

    Ang bandang huli ng kasaysayan ng aking buhay ay may kinalaman sa kasaysayan ng maraming mga proyekto na bumangon sa atin, at kung saan ang aking gawain sa buhay ay naging malapit na nakihalubilo. Para sa paggawa ng mga institusyong ito, ako at ang aking asawa ay gumawa taglay ang tinig at panulat. Para pansinin, kahit saglit lang, ang karanasan ng aktibo at abalang mga taon ay malayong humihigit sa limitasyon ng planong ito. Hindi tumigil ang mga pagsisikap ni Satanas na pigilin ang gawain at wasakin ang mga manggagawa; ngunit ang Diyos ay nagmamahal sa Kanyang mga lingkod at para sa Kanyang gawain.TKK 233.3

    Sa pagtingin natin sa ating nakaraan, matapos maglakbay sa bawat hakbang ng pag-usad sa ating kasalukuyang kinatatayuan, masasabi kong, Purihin ang Diyos! Habang aking tinitingnan ang ginawa ng Panginoon, napupuno ako ng paghanga, at taglay ang kasiguruhan kay Cristo bilang tagapanguna. Wala tayong dapat ikatakot sa darating, malibang ating malimutan kung paano tayo pinangunahan ng Panginoon, at ang Kanyang pagtuturo sa ating nakalipas na kasaysayan.TKK 233.4

    Tayo'y may utang sa Diyos na gamitin ang bawat kapakinabangan na Kanyang ipinagkatiwala sa atin na pagandahin ang katotohanan sa kabanalan ng karakter, at dalhin ang mensahe ng mga babala, at ng kaaliwan, ng pag-asa at pag-ibig doon sa mga nasa kadiliman ng pagkakamali at kasalanan.— LIFE SKETCHES, pp. 195,196 .TKK 233.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents