Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mas Maraming Nagtatalagang mga Miyembro, Oktubre 28

    At araw-araw, habang sila'y magkakasama sa templo, sila'y nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsasalu-salo na may galak at tapat na puso, na nagpupuri sa Diyos, at nagtatamo ng lugod sa lahat ng tao, At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas, Mga Gawa 2:46, 47,TKK 316.1

    Ang bawat kaluluwang tunay na nagbalik-loob ay magnanais nang matindi na dalhin ang iba mula sa kadiliman ng kamalian tungo sa kamangha-manghang liwanag ng kaluwalhatian ni Jesu-Cristo. Hindi darating ang dakilang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos, na nagbibigay-liwanag sa buong lupa ng Kanyang kaluwalhatian, hanggang sa magkaroon tayo ng naliwanagang mga tao, na nalalaman sa pamamagitan ng karanasan kung ano ang kahulugan ng pagiging kamanggagawa kasama ng Diyos. Kung mayroon tayong ganap at buong-pusong pagtatalaga sa paglilingkod kay Cristo, kikilalanin ng Diyos ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang Espiritu nang walang sukat; subalit hindi ito mangyayari habang ang pinakamalaking bahagi ng iglesya ay hindi mga manggagawa kasama ng Diyos. Hindi maibubuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu kapag labis na nakikita ang pagiging makasarili at pagpapakasaya sa sarili; kapag nananaig ang isang espiritu, kung sasalitain, ay maghahayag ng kasagutan ni Cain—“Ako ba'y tagapagbantay ng aking kapatid?” (Genesis 4:9).TKK 316.2

    Kung ang katotohanan para sa panahong ito, kung ang mga tandang kumakapal sa bawat dako, na nagpapatotoo na ang wakas ng lahat ng bagay ay malapit na, ay hindi sapat upang pukawin ang natutulog na sigla ng mga nag-aangking nalalaman ang katotohanan, kung gayon kadiliman na katumbas ng ilaw na nagliliwanag ay aabutin ang mga kaluluwang ito. Walang anyo ng katwiran para sa kanilang pagwawalang-bahala ang kanilang ihaharap sa Diyos sa dakilang araw ng huling pagtutuos. Walang dahilang ihahandog kung bakit hindi sila namuhay at lumakad at gumawa sa liwanag ng banal na katotohanan ng Salita ng Diyos, at nang gayon maihayag sa mundong pinadilim ng kasalanan, sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali, kanilang pakikiramay at kanilang kasigasigan, na hindi mapapabulaanan ang kapangyarihan at katunayan ng mabuting balita.TKK 316.3

    Hindi lamang mga ministro, kundi pati mga layko, ang hindi nagbibigay ng lahat ng kanilang makakaya upang hikayatin ang tao, sa pamamagitan ng alituntunin at halimbawa, na tanggapin ang nagliligtas na biyaya ni Cristo. Kasama ang kakayahan at kahusayang makitungo, kasama ang karunungang tinanggap mula sa itaas, dapat nilang hikayatin ang mga tao na pagmasdan ang Cornero ng Diyos, nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.— REVIEW AND HERALD, July 21,1896 .TKK 316.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents