Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Ganap na Pagbabago, Oktubre 3

    Lubusin ninyo ang aking tuwa sa pagkakaroon ng gayunding pag-iisip, magtaglay ng gayunding pag-ibig, na magkaisa ng diwa, at may isa lamang pag-iisip. Filipos 2:2.TKK 291.1

    Dumating na ang panahon upang mangyari ang isang ganap na pagbabago. Kapag nagsimula na ang pagbabagong ito, ang espiritu ng pananalangin ang kikilos sa bawat mananampalataya at magtataboy sa iglesya ng espiritu ng hindi pagkakasundo at alitan. Magiging malapit sa isa't isa ang mga hindi namumuhay sa Cristianong pakikisama. Ang isang miyembro na gumagawa sa tamang daan ay mag-aakay sa iba pang mga miyembro na makiisa sa kanya na mamagitan para sa paghahayag ng Banal na Espiritu. Hindi magkakaroon ng kalituhan, dahil magkakaroon ang lahat ng pagkakaisa sa isipan ng Espiritu. Mawawasak ang mga hadlang na naghihiwalay sa mananampalataya mula sa mananampalataya, at magsasalita ng magkatulad na mga bagay ang mga lingkod ng Diyos. Makikipagtulungan ang Panginoon sa Kanyang mga lingkod. Ang lahat ay mananalangin nang may pag-unawa sa panalanging itinuro ni Cristo sa Kanyang mga lingkod: “Dumating nawa ang kaharian mo. Masunod nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, gayundin naman sa lupa” (Mateo 6:10).TKK 291.2

    Habang naririnig ko ang mga kakila-kilabot na kalamidad na nangyayari bawat linggo, tinatanong ko ang aking sarili: Ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito? Sunod-sunod na nangyayari ang pinakamasaklap na mga sakuna. Gaano kadalas nating marinig ang tungkol sa mga lindol at mga buhawi, ng pagkawasak sa pamamagitan ng apoy at baha, na may malaking pagkawala ng buhay at ari-arian! Mukhang ang mga kalamidad na ito ay mga pabagu-bagong pagsiklab ng waring hindi organisado, hindi makontrol na mga puwersa, ngunit sa mga ito mauunawaan ang layunin ng Diyos. Isa ang mga ito sa mga paraan kung saan hinahangad Niyang pukawin ang mga lalaki at mga babae sa pagkaunawa ng kanilang peligro.TKK 291.3

    Ang pagdating ni Cristo ay mas malapit pa kaysa noong una tayong naniwala. Nalalapit na sa pagtatapos nito ang dakilang tunggalian. Ang mga paghatol ng Diyos ay nasa lupain. Nagsasabi ang mga ito ng mahalagang babala: “Kaya, maging handa rin naman kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Mateo 24:44).— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 8, pp. 251,252.TKK 291.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents