Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kumikilos ang Espiritu sa Gitna Natin , Enero 21

    Dito'y nalalaman namin na kami'y nananatili sa Kanya at Siya'y sa amin, sapagkat binigyan Niya kami ng Kanyang Espiritu. 1 Juan 4:13,TKK 27.1

    Bagama't hindi natin nakikita ang Espiritu ng Diyos, alam natin na nagsisisi at nahihikayat sa ilalim ng paggawa nito ang mga taong dati'y patay sa mga paglabag at kasalanan. Nagiging seryoso ang dati'y hindi nag-iisip at naliligaw ng landas. Nagsisisi sa kanilang mga kasalanan ang matitigas, at naniniwala ang dati'y walangsampalataya. Ang sugarol, lasenggo, at mahalay ay nagiging matatag, matino, at malinis. Nagiging maamo at katulad ni Cristo ang rebelde at matigas ang ulo. Kapag nakita natin ang mga pagbabagong ito sa karakter, makatitiyak tayo na binago ng humihikayat na kapangyarihan ng Diyos ang buong pagkatao. Hindi natin nakikita ang Banal na Espiritu, pero nakikita natin ang katibayan ng Kanyang paggawa sa nabagong karakter nung mga dati'y matigas at suwail na makasalanan. Kung paanong kumikilos ang hangin sa puwersa nito sa matataas na puno at ibinubuwal ang mga ito, kaya rin namang gumawa ng Banal na Espiritu sa mga puso ng tao, at walang taong may hangganan ang puwedeng maglimita sa gawain ng Diyos.TKK 27.2

    Nahahayag ang Espiritu ng Diyos sa iba't ibang paraan sa iba't ibang tao. Ang isang tao'y manginginig sa harapan ng Salita ng Diyos sa ilalim ng pagkilos ng kapangyarihang ito. Magiging napakalalim ng kanyang kumbiksyon anupa't isang bagyo at bagabag ng damdamin ang para bang nagngangalit sa kanyang puso, at ang kanyang buong pagkatao ay nakatirapa sa ilalim ng umuusig na kapangyarihan ng katotohanan. Kapag nangungusap ng pagpapatawad ang Panginoon sa kaluluwang nagsisisi, puno siya ng alab, puno ng pagmamahal sa Diyos, puno ng kasipagan at enerhiya, at hindi mapigilan ang nagbibigaybuhay na Espiritung kanyang tinanggap. Si Cristo sa kanya ay isang bukal ng tubig na umaagos tungo sa buhay na walang hanggan. Kasinlalim at kasing-alab ng kanyang pagkabahala at paghihirap ang mga damdamin niya ng pag-ibig.TKK 27.3

    Ang kanyang kaluluwa ay gaya ng nabuksang bukal sa matinding kalaliman, at ibinubuhos niya ang kanyang pasasalamat at papuri, ang kanyang pagtanaw ng utang-na-loob at katuwaan, hanggang sa itono ang mga makalangit na alpa sa mga nota ng pagdiriwang. May kuwento siyang dapat sabihin, ngunit hindi sa anumang eksakto, pangkaraniwan, o metodikal na paraan. Siya'y isang kaluluwang tinubos sa pamamagitan ng mga ginawa ni Jesu-Cristo, at kinikilig ang buong pagkatao niya sa pagkatanto sa pagliligtas ng Diyos.— REVIEW AND HERALD, May 5,1896.TKK 27.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents